CHAPTER 102—ROAD TO HAPPY ENDING NA NGA BA?

2946 Words

LYKA WALA akong ideya kung gaano katagal lumapat ang mga labi namin ni Verex. Kung sino ang mas naging mapusok pagkatapos niyang tumugon sa aking mga halik, kung paano namin ninamnam ang ilang araw na pagkauhaw namin sa isa’t isa. Ang tanging alam ko lang ay pareho naming habol ang aming mga hininga nang bumitaw kami sa isa’t isa. At parehong umaapaw sa saya ang aming mga puso. “Noong una, akala ko takot lang ako na baka may mangyaring masama sa anak natin kapag nagkahiwalay na naman tayo. Kaya napag-isip-isip ko na piliin kung ano ang mas makakapagpapasaya sa kaniya,” puno ng emosyon na wika ko sa aking asawa habang maluha-luha ang aking mga mata. “Pero nang sabihin mo sa akin kanina na handa ka nang lumayo nang tuluyan sa amin, saka ko lang totally inamin sa aking sarili na takot din

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD