CHAPTER 71—GUSTO NANG MAGKAANAK

1737 Words

LYKA NAGISING ako na parang gusto kong kumain ng manggang hilaw na may bagoong. Nagtaka pa ako dahil hindi ko naman iyon gusto. Hinog talaga ang pinakagusto ko. Bumangon ako nang hindi ko makapa sa aking tabi si Verex. Dalawang buwan na rin simula nang magkaroon kami ng deal at unti-unti nang umaayos ang aming pagsasama. Tuluyan na siyang bumalik dito sa bahay at gabi-gabi na kaming magkatabi. Halos araw-araw ding may nangyayari sa amin. Hindi ko pa man naririnig sa aking asawa na tuluyan na niya akong tinatanggap at minamahal, ramdam ko na ang pagpapahalaga niya sa akin at sa aming pagsasama. Kagaya na lang nang hindi na niya pakikipagkita kay Margaux. Siya mismo ang umamin sa akin niyon. Hanggang sa bumalik na uli sa Singapore ang kaniyang kabit ay hindi na sila nagkaroon pa ng konek

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD