VEREX MATINDING galit pa rin ang aking nararamdaman nang makarating ako sa tapat ng gate ng aming bahay. Ngunit bigla akong natigilan nang makita ko si Margaux na nagwawala at kinakalampag ang gate. Ipinarada ko nang maayos sa tabi ng kalsada ang aking sasakyan at saka nagmamadaling bumaba. “Margaux!” malakas na tawag ko sa kaniya habang malalaki ang aking mga hakbang para lapitan siya. Lalo lamang sumisiklab ang galit sa aking puso ngayon na nakita ko na siya. Tumigil siya sa pagwawala nang makita niya ako. Patakbo siyang sumugod sa akin na para bang nakahanap ng kakampi. Hindi niya alintana ang pagtiim-bagang ko at paniningkit ng aking mga mata dahil sa galit. “Verex? Oh, my God! Mabuti naman at dumating ka na. Si Lyka kasi… Pinalayas niya ako—” Kusang natigil ang pagsasalita ni Marga