LYKA “ANO ho ang kailangan nila?” tanong ko uli sa matandang lalaki na kaharap ko na ngayon? “Bakit ho nila hinahanap si Lyka Montecillo?” “Ako ho si Mang Delfin, Ma’am. Ipinapasundo ho kasi siya ng kaniyang Auntie Cecil at mga pinsan,” magalang niyang sagot sa akin. Kumunot na naman ang aking noo. Ngunit bago pa man ako makapag-isip ng kung ano-ano ay tumunog na ang kaniyang cellphone. Mula sa screen niyon ay lumabas ang mukha ng aking tiyahin nang buksan niya iyon. “Ma’am, ito ho ang pruweba na talagang ipinapasundo ng kaniyang Auntie Cecil si Ma’am Lyka,” wika uli ng matandang lalaki, sabay harap sa akin ng screen ng kaniyang cellphone. Marahil ay nakita niya sa aking mukha ang pagdududa. “Lyka!” masiglang bungad sa akin ni Auntie Cecil. “Pinapapunta ka rito ng mga pinsan mo. Gusto