LYKA LALO lamang akong nagtaka kung bakit malamyos na musika ang sumalubong sa akin imbes na katahimikan. Naiwan ba ni Auntie Cecil na nakabukas ang radio o player bago sila pumunta sa beach? But knowing my auntie, hindi naman iyon mahilig sa ganitong musika. Kung magpapatugtog man ‘yon, siguradong Skyline Pigeon ni Elton John o kaya ay My Heart Will Go On ni Celine Dion dahil favorite movie niya rin ang Titanic. Pero itong Love To Be Loved By You ni Marc Terenzi yata, sa pagkakaalam ko ay halos bago lang ito. Although maganda, never itong magiging genre ni Auntie Cecil dahil masiyado siyang makaluma pagdating sa musika. Imposible rin na si Pablo ang nagsalang nito dahil mas makabagong kanta ang hilig niyon. Banayad kong isinara ang pinto habang patuloy pa rin ang pagpapailanlang ng ka