HAWAK-HAWAK pa rin ni Crisostomo ang kamay ni Anne nang makarating sila ng lobby ng hotel kung saan daw naghihintay ang mga visitor na isang buong pamilya raw. Kahit hindi komportable ay hinayaan na lang ni Anne. Mas gugustuhin pa niyang magpahila sa boss niya kaysa ang ma-corner na naman ni Alfred na nakasunod pala sa kanila. Ngunit nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niya ang isa sa mga bisitang naghihintay. Na walang iba kundi ang senador at kaibigan ng kaniyang ama na si Ramon Alcantara. At hindi ito nag-iisa! Dahil kasama rin nito ang anak na babaeng pinatalsik niya noon sa eskuwelahan nila. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan nang maalala niya ang huling banta sa kaniya ng babae bago ito tuluyang lumayas sa unibersidad na iyon. I swear, you’ll pay for this b***h

