“I know… At sorry kung pinaghintay kita. Alam ko rin na mali ang ginawa ko. Dapat pinanindigan ko ‘yong nangyari sa atin noon sa bar,” may pagsisisi sa mga mata na paliwanag ni Crisostomo matapos nitong marinig ang paliwanag din ni Anne. “Akala ko kasi, gusto mo lang akong paghigantihan kaya ipinahanap mo ako. Knowing you, at ikaw na rin ang nagsabi na ‘lintik lang ang walang ganti’ sa’yo.” Napasimangot si Anne. “Kung alam mo lang kung paano ako nasaktan at na-frustrate dahil hindi kita nahanap kahit ginawa ko naman ang lahat. Nang dahil sa’yo kaya pinigilan ko ang sarili ko na mahulog sa isang ‘Crisostomo Villaverde’ dahil alam ko sa puso ko na hanggang ngayon, love ko pa rin ang lalaking naka-one night stand ko noon sa bar.” Hindi alam ng dalaga kung tama ba itong pag-aamin na ginagawa

