✘Sixth Adventure

2251 Words
*She lied* Amaya's POV Hindi ko alam kung paano ko talaga natagalan tong lalaking to ngayon kanina pa kasi to nang aasar at hindi ko alam kung pano ko talaga to papatigilin mukha na syang tanga kakatawa. Kanina pa talaga to. Saka isa pa bakit parang nawala ata ang pagiging suplado nya? May nakain ba syang hindi maganda at naging ganyan ang ugali nya? Pero akala ko magiging ganito na lang sya habang buhay hindi pala. Pagdating kasi sa harap ng gate ng palasyo hindi na sya tumawa at seryoso nang tumingin. Okay? Anong nangyari sa lalaking to? Anong nakain nya at ganyan sya? "Makinig ka Rei hindi ka pwedeng basta basta magtiwala sa loob ng palasyo dahil kahit na kami ang may ari dito may mga traydor pa rin" "Traydor? Meron nun? Bakit hindi nyo hinuhuli?" "Kasi hindi pa naman napapatunayan ni Ama ang tungkol dun masyado silang maingat kaya hindi kami nakakakuha ng katunayan na traydor sila. Ako, si Ama at ang advisor nya lang ang maari mong pagkatiwalaan dito maliwanag ba?" Kahit na hindi ko gaanong naiintindihan ang sinasabi nya ay nag nod pa rin ako, ayokong mapahamak kaya kailangan maging good girl ako. Isa pa teka bakit Ama lang ang binanggit nya? Wala bang Ina? o kahit kapatid man lang? "Wala ba dito ang Reyna at ang kapatid mo?" Napamaang naman ako ng makita ko ang lungkot at galit sa mata nya, teka may mali ba akong nasabi? Bakit ganyan ang naging reaksyon nya? "Bukod sa ate kong namatay nito lang nakaraan ay wala na akong iba pang kapatid. Isa pa pinatay din ng mga black mermaid ang aking ina kaya naman kaming dalawa lang ni Ama ang natitira ngayon sa Royal family." sagot nya sakin. Hindi na ako nagsalita pa mahirap na baka mamaya may masabi pa akong hindi maganda edi nalintikan na baka magalit pa sakin tong prinsipe na to mahirap na rin ayoko mabully sa GdoubleA dahil lang sa sinagot sagot ko to at lalong lalo na dahil sa naoffend sya sa tanong ko yun ang iniiwasan ko, gusto ko makagraduate ng matiwasay para matuwa si ate Elena at para na rin matulungan sya. Bigla naman akong kinabahan ng makita ko na nasa harap na kami ng isang double door na kulay ginto. Walangya kailangan ba talaga ginto? Tumingin ako sa paligid at nakita kong ginto ang paligid, sa labas lang pala mukhang luma at malumot pero pagdating sa loob sobrang ganda, no wonder kung bakit ito ang pinaka centro ng lahat ng kaharian dito sa karagatan. "Ano tutunganga ka na lang ba dyan?" "Tsk oo na ito na" tapos naglakad ako papunta sa kanya "Anong ugali ng Hari, Miko?" "Mabait si Ama huwag kang mag alala wala yung gagawing masama sayo isa pa gusto nya lang malaman at makita kung totoo ang lahat ng nababalitaan nya" tapos tumingin sya sa buntot ko. "Ah nabalitaan nya na pala ang tungkol sa buntot ko" "Walang balita na hindi nakakarating kay Ama" Pagbukas ng giant golden double door ay naglakad na naman kami, kung sa loob ng palasyo ay may isa pang palasyo. Grabe ang lawak sa loob. Kung sabagay sa labas pa nga lang ang lawak na tingnan dito pa kaya sa loob. "Ready ka na?" tanong nya at tiningnan ko sya at tumingin sa isang giant door na naman pero hindi na sya gold. Yung nasa gilid na lang "Sa likod ng pintong to ang throne room ibig sabihin makikita mo na si Ama" Tiningnan ko ang dalawang sereno na nakabantay sa giant door para silang hindi nagalaw. Tiningnan ko ulit si Miko, hindi ko alam pero sa tuwing makikita ko ang mukha nya lahat ng kaba na nararamdaman ko parang naglalaho. Pumikit ako at saka huminga ng malalim at dumilat saka sya tiningna at ngumiti at saka nag nod. "Good" tapos bumukas ang pinto. Pagpasok na pagpasok namin sa loob ng pinto ay agad ko naman nakita ang isang lalaki na nakaupo sa isang magarang upuan at nang tingnan ko ang paligid nakita kong may iilang mga tagapaglingkod at mga kawal. Hindi naman agad kami napansin ng lalaki na nakaupo dahil abala siya sa pagbabasa ng isang dokumento. Pero yung nasa tabi nya isang gulat na mukha ang nakita nya at tinapik nya ang lalaking nakaupo sa isang magarang upuan. "Ama" sabi ni Miko at lumuhod ako naman otomatikong napabow dahil sa paggalang sa kanya ng anak nya. "Miko nandito ka na pala maari ka nang makatayo" at tumayo naman si Miko gaya ng sinabi sa kanya ng ama nya "Siya na ba ang nababalitaan?" tanong naman ng Mahal na Hari. "Opo Ama" at tumingin sakin si Miko "Magpakilala ka" sabi nya at nag nod naman ako. "Ako po si Amaya Rei Selene" sabi ko at nag bow ulit sa pangalawang pagkakataon. "Iangat mo ang iyong ulo, hija" Ginawa ko naman ang sinabi ng Mahal na Hari at nakita ko ang pagkakaroon ng kuryusidad sa mata nya at the same time pagkalito. Lumangoy siya papunta sa akin at pinaikot ikutan ako na wari mo'y hindi siya makapaniwalang nag eexist ako sa mundong to. Kung sabagay di naman kasi talaga kapani-paniwala ang kulay ng buntot ko. Tumingin siya sa paligid at agad namang naging alerto kasabay nun ay ang pagsulyap nya kay Miko at hinila naman ako ni Miko papunta sa isang silid at narinig kong sumigaw ang Hari na walang magsasabi tungkol sa nakita ng mga nakapaligid doon. "Anong nangyayari Miko?" tanong ko. "Huwag ka muna maingay Rei, paparating ngayon ang mga sinasabi kong traydor" sabi nya at bigla naman akong kinabahan. Inilibot ko ang paningin ko at tiningnan ang mga libro na nandito sa loob ng silid. Mapapansin mong may mahika ang mga ito dahil sa hindi ito nababasa ng tubig, may liwanag na nakapalibot dito dahilan upang hindi ito mabasa. Kinuha ko ang isa at nagbasa basa. Hindi ko alam kung bakit pero hindi talaga napasok sa isipan ko ang mga binabasa ko, napatingin ako sa pinto at saka sa kasama ko na nakita kong tulog. Napabuntong hininga naman ako. Anong gagawin ko? Paano ako makakalabas dito? Isa pa paano kung matuklasan ng mga traydor na sinasabi ni Miko ang tungkol sakin? Ay teka malamang alam na nila ang tungkol sa akin dahil sa nag aaral ako sa Academy at alam kong may iilan doon na hindi tapat sa GdoubleA may iilang traydor doon at karamihan sa iilan na iyon ay mga classmate ko. Nakikita at nababasa ko sa mga mata nila ang intensyon nila sa isang tao pati na rin ang nararamdaman nila, hindi ko alam kung bakit ko nagagawa to gayong hindi naman ito nararapat para sa isang normal na serenang kagaya ko. "Huwag kang mag alala matatapos din silang mag usap sa ilang sandali lang at papasok din dito ang Hari" dinig kong sabi ni Miko. Nang tingnan ko sya nakita ko na hindi naman sya gising, ano to nagsasalita sya ng tulog? Aba ibang klase tong lalaking to ah. Pero hindi nga sya nagkamali dahil maya maya lang ay pumasok ang Mahal na Hari sa loob ng silid na kinaroroonan namin ni Miko at agad naman napaupo ng maayos si Miko at ako naman ay napatayo. "Naiinis na talaga ako sa mga taong yun sinasamantala nila ang posisyon na mayroon sila" inis na sabi ng Mahal na Hari at inihagis ang isang vase. Napatalon naman ako bahagya dahil sa ginawa nya, isa lang masasabi ko nakakatakot sya magalit. "Kumalma ka lang Mahal na Hari naririto ang mga bata" sabi naman ng isang lalaki, sa aking palagay siya ang adviser ng hari. "Pasensya na" sabi ng hari na may halong concern sa mukha nya. "Maupo ka" sabi nya ulit at umupo naman ako lumpat naman ng upuan si Miko at nasa tabi ko na sya at nasa harap naman namin magkatabing nakaupo ang mahal na Hari at ang kanyang adviser. "Pagpasensyahan nyo na ang ugali ko kanina naiinis na kasi ako sa pamilyang Algae hindi sila marunong makuntento sa kung anong meron sila" Hindi kami nagsalita ni Miko dahil wala kaming masabi "Sa ngayon ayoko muna silang pag usapan" at ngumiti sya samin. "Ano nga ulit ang pangalan mo?" "Ama makakalimutin ka na" "Pasensya na Miko haha" "Amaya Rei Serene ang pangalan nya Shin" sabi naman ng adviser nya. "Ah buti ka pa Mark naalala mo" at nag pout naman sya. Halos mapanganga ako sa nakita ko, ang totoo hari ba talaga tong kaharap ko? Bakit parang hindi sya isang hari kung makipag usap? "Ah oo nga pala, Amaya" agad naman akong napaupo ng maayos "Hahahaha huwag ka mailang, kaano ano mga pala si Elena?" tanong nya, ayan na naman ang tanong na yan. "Pinsan ko po siya Mahal na Hari" "Sa pagkakaalam ko walang kamag anak na si Elena, ang totoo Amaya sino ka bang talaga?" Kinabahan naman ako sa tono ng Mahal na Hari, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya o hindi sapagkat nangako ako kay ate Elena na wala akong pagsasabihan na kahit na sino man at walang ibang makakaalam sa kung sino ako kundi kaming dalawa lamang kahit na hindi ko naman talaga alam kung sino at ano ba talaga ako. "Nanggaling po ako sa mundo ng tao Mahal na Hari. Nitong mga nakaraang araw ko lamang nalaman na isa akong sirena sapagkat ako'y nabasa ng tubig ng karagatan" sabi ko at tinitigan nya ako. "Hindi ka nagsasabi ng totoo" sabi naman ng adviser ng hari. Mas lalo naman akong kinabahan dahil sa titig natitig silang tatlo sakin, anong gagawin ko? Sasabihin ko na lang ba? Pero baka magalit si ate Elena, pero siguro naman hindi kasi naipit lang naman ako. Sana. Bumuntong hininga ako at saka tumingin sa mata ng mahal na Hari. "Hindi talaga ako pinsan ni ate Elena at hindi ko alam kung saan ako nanggaling. Ang naalala ko lamang ay nalangoy ako sa kadiliman at nakita ako nang puting liwanag at paggising ko nasa pangangalaga na ako ni ate Elena. Paumanhin Mahal na Hari at ako'y nagsinungaling gusto ko lamang pong matupad ang pangako ko kay ate Elena na walang pagsasabihan na kahit sino sapagkat sabi niya baka iyon ang ikapahamak ko. Pero maniwala po kayo sakin Mahal na Hari wala po akong masamang hangarin" mahabang paliwanag ko. Para akong hiningal dahil sa sobrang haba nun at agad naman akong napahinga ng maluwag dahil sa sagot sakin ng Mahal na Hari. "Alam ko Amaya, alam kong wala kang hangarin na masama sapagkat walang nangyayari sa buhok mo noong makalangoy ka sa tubig na nasa loob ng atlantis palace." sabi nya naman at saka ngumiti "Lahat ng mga may masamang hangarin sa simula pa lang ay nagkakaroon ng itim na hibla sa kanilang buhok at nagiging highlight hindi ganoon ang nangyari sa buhok mo bagkos gold ito" sabi nya pa. "Mahal na Hari nandito na po ang mahal na babaylang kataas taasan" sabi sa labas ng silid. Tumayo ang adviser ng Hari at binuksan ang pinto. Nakita ko ang isang babaeng napakahaba ng pambaba na hindi na nakikita ang kanyang buntot at isang napakahabang kulay lila na buhok. Agad syang napatingin sakin at napalunok naman ako dahil parang sinusuri nya ang buo kong pagkatao, parang tagus tagusan sa akin ang kaniyang tingin. "Hindi ka isang normal na serena" agad nyang bigkas sa akin "Ika'y dapat pangalagaan sapagkat malaki ang iyong maiaambag sa darating na digmaan. May madilim at may maliwanag na landas ang nag aabang sa iyo" at pagkatapos nun ay agad syang tumalikod pero bago pa man sya lumabas ng silid ay nagsalita na muna sya "Huwag kang magtitiwala sa ibang tao na nakakasalamuha mo Mahal na Hari, may ibang traydor dito at nasa ministry siya" sabi nya at lumabas na. Nakita ko namang napatampal sa noo ang hari at saka bumuntong hininga. Agad nya naman kaming pinaalis ni Miko dahil may pag uusapan pa daw sila, bago kami lumabas ng palasyo pinakain na muna ako esti kumain muna kaming dalawa at habang nakain ay walang may balak na kumibo sa amin. Alam nya na rin kung sino ako. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako pero ang sabi nya ay ihahatid nya ako kaya ayan wala kaming salitaan habang nalangoy pauwi sa bahay ko. "Bakit ka nagsinungaling?" tanong ni Miko sa akin. "Dahil yun ang sa tingin kong tama" "Kahit na alam mong Hari ang kaharap mo?" "Oo, hindi ko naman sinasabing hindi ko pinagkakatiwalaan ang hari ayoko lamang na magduda siya sa akin lalo na kapag may hindi magandang nangyari. Kakasabi lamang ng babaylang kataas taasan na may digmaang magaganap" sagot ko at di na naman sya nagsalita. "Kami bang Royalties di mo pinagkakatiwalaan?" Napatigil naman ako sa paglangoy at tiningnan sya na napatigil din, nasa harapan ko sya ngayon. Humarap sya sakin at nakita ko sa mata nya na nasasaktan sya. Bakit? Iniiwas ko ang tingin ko saka nag isip. "Hindi sa hindi ko kayo pinagkakatiwalaan gaya ng sabi ko ayoko na may makaalam dahil sa biglaang pag sulpot ko baka paghinalaan nyo ako" "Pero alam mo bang mas lalo ka naming paghihinalaan kung hindi mo sasabihin samin ang totoo? Alam mo bang hindi naniniwala ang Royalties sa mga sinabi mo kanina?" Napakagat na lang ako sa labi at di na nagsalita. Lumangoy na akong muli at hindi na naman nya ako sinundan, nang makauwi ako nakita ko si ate sa kusina at kumain ulit ako ayoko namang masayang yung luto ni ate after nun ay pinaakyat nya na ako. Kung hindi sila naniniwala bakit hindi nila sinabi sakin? Hindi rin siguro nila ako pinagkakatiwalaan. At kanina bakit nakakita ako ng sakit na emosyon sa mga mata ni Miko? Hindi ko alam kung bakit siya nakaramdaman ng ganoon. Inihubad ko ang aking uniform at isinampay saka ako nahiga sa kama ko at napatingin sa bintana. Anong gagawin ko? Hindi na ata sila naniniwala sakin ngayon dahil sa pagsisinungaling ko, kung sabihin ko na lang kaya kay ate ang tungkol sa nangyari ngayon? Kaso baka magalit si ate sakin dahil sa baka isipin nyang pinapahamak ko ang sarili ko at di ko iniisip ang mga magiging kapalit nito. Pero bahala na si batman. Huh? teka nga sino si batman? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD