*The Royalties*
Amaya's POV
Nagliligpit na kaming lahat ngayon para makauwi na ng maaga at gaya nga ng sinabi ni ate tumigil na sila sa pagtatanong sakin dahil sa wala silang sagot na nakukuha.
"Rei" tawag sakin ng leader ng classroom.
"Po?"
"Pwede bang daanan mo muna ang library mamaya?"
Bakit ganito? Feeling ko di ako sanay na hindi kaagad umuuwi? Tumango ako at saka sya umalis at bumalik ng may dalang libro, yun ang libro na ipapabalik nya sakin.
"Jessi pwede bang ikaw na lang gumawa nyang pinapagawa mo sa kanya?"
Parehas kaming napatingin sa pinto at nanlaki ang mata pero agad din kaming nagbow lahat. Oo lahat kami dito sa classroom ng bow.
"Princess Audrey"
"Kailangan kasi namin si Amaya ngayon kaya pwedeng ikaw na lang magbalik nyan sa library? O di kaya iutos mo na lang sa iba"
Parehas kaming napanganga ni Jessi at tiningnan ko sya at ngumiti naman sya sakin saka nag nod kay Princess Audrey.
"Hindi mo naman sinabi saking may lakad ka pala kasama ang prinsesa" bulong nya sakin.
Close naman kami ni Jessi kahit papaano kaya lang parang may something na nagsasabi sakin na huwag akong magtiwala sa kanya, bakit kaya?
"Sinasabi ko sayo lead wala akong alam dito" bulong ko pabalik at hinila na ako ni Princess Audrey.
Kahit na nakangiti sya sa lahat habang hila hila nya ako hindi pa rin ako mapakali. Pumasok sa isip ko ang sinabi ni ate sakin na hindi nya alam kung maganda ba ang mapalapit sa kanila dahil sa mga maiinggit sakin.
Sari saring mga emosyon sa mata ang nakikita ko sa mga nakakakita sakin. Inis, inggit, awa at kung anu ano pa. Ang creepy nila ah!
Tumigil sya sa pagkaladkad sakin ng makarating kami sa garap ng garden sa likod ng school. This world really is full of magic. Yan ang nararamdaman ko, feeling ko first time ko lang sa mundong to.
"Tutunganga ka na lang ba jan? Halika na" nakangiti nyang sabi at mag nod naman ako.
Kung sa labas pa lang ang ganda na ngayon dito sa loob halos mapanganga ako sa ganda. Napansin ko naman ang dalawang set ng sofa sa gitna ng garden.
"Welcome to Royal Garden" sabi ng isang babae. Si Ceres pala, ngumiti lang ako.
"Nagugutom ka ba? Kain ka muna bago tayo umalis" sabi naman ni Riko na kinakunot ng noo ko.
"Aalis?" takang tanong ko at tiningnan naman nila si Miko kaya pati ako napatingin sa kanya.
hindi kaya.
"Bakit ganyan kayo makatingin sakin? Kasalanan ko bang makakalimutin sya?" tapos tumingin sya sakin "Nakalimutan mo na bang gusto kang makita ng hari" inis na sabi nya.
"Ah sorry yun pala tinutukoy nyo" tapos napayuko ako.
"Aray naman Karen bakit ka ba nangbabatok?"
"Para ka kasing timang Miko" tapos tiningnan ko ang babae na yumakap sakin.
"Pagpasensyahan mo na si kuya Miko ha ate Amaya masama talaga ugali nyan."
"Rei na lang" nakangiti ko namang sabi.
"Hoy bata anong pinagsasabi mong masama ako?" binelatan lang naman sya ni Seri.
"Hahaha ayan na Miko hindi nagsisinungaling ang bata" natatawa namang sabi ni Gray.
"Sya lang ang batang nagsisinungaling"
Oo bata pa lang si Seri sa tingin ko mga seven years old pa lang sya pero parang kaedad namin sya kung magsalita sa harap ng maraming tao siguro nasanay na sya sa mga kasama nya. Wala ba syang kaibigang kasing edad nya? I wonder.
Hinila ako ni Seri paupo sa sofa at saka nila ako binigyan ng sandwich at ng tea. Kung titingnan masyado silang careless pero pag kaharap ang karamihan masyado silang maotoridad.
"Ate Rei kaano ano mo si ate Elena?" tanong ni Seri sakin.
"Ang bata bata mo pa lang chismosa ka na"
"Pakialam mo ba kuya Riko? If I know interesado ka rin kay ate Rei" tapos nag tongue out sya.
Dapat ko bang sabihin sa kanila? Pero kaya lang Makinig ka Rei hindi pwedeng malaman nila na nakita lang kita. Sabihin mong galing ka sa mundo ng mortal at umuwi ka lang. Isa pa pinsan kita maliwanag ba?
Ngumiti ako sa kanila at binaba ko ang tea na binigay nila sakin at napatingin naman sila sa akin.
"Actually magpinsan talaga kami ni ate. Galing lang ako sa mundo ng mga tao at pinadala dito"
I lied. Sorry.
"Ah ganun pala" sabi bi Noel at tumingin sakin "Oo naalala ko na may nabanggit sila ate Elena noon na may kamag anak sila sa lupa"
Teka nga.
"Close nyo si ate Elena?" tanong ko at tumingin naman sila sakin.
"Hindi mo alam?" takang tanong ni Karen at umiling naman ako. "So hindi mo alam na Royal dati si ate Elena?!"
Nganga. Bakit hindi ko to alam. Napatingin ako sa mga mata nila at nakita ko ang pagdududa pero tumuko na lang ako at bumuntong hininga.
"Wala akong alam. Hindi naman nagkukwento sakin ang magulang ko tungkol kila ate Elena at isa pa hindi din naman nagkukwento si ate sa akin at alam ko na ayaw din naman nyang pag usapan yun kaya hindi ko na rin tinatanong"
Yan na lang ang nasabi ko at sana, sana kagatin nila.
"Tama na yan naghihintay na ang hari" napatingin kaming lahat kay Miko.
Kinabahan ako. Ang hari gusto ako makita, pero bakit? Wala pa naman akong nalalabag na batas hindi ba? Legal naman ang pagiging mamamayan ko dito di ba? Ate Elena tulungan mo ko.
Napatigil ako sa pag iisip ng bigla na lang tumawa tong Miko na to kaya naman napataas ang kilay ko at napanganga naman ang ibang prinsesa at prinsipe.
"Anong nakakatawa?" inis na tanong ko at mas lalo naman syang natawa "Malunod ka sana"
Aba nalulunod din kaming mga mermaid ah kahit sabihin pa nating nakakahinga kami sa ilalim ng tubig. May posibility pa rin na malunod kami.
"Yung itsura mo kasi para kang nawawalang bata hahaha"
"Wow ang babaw naman pala ng kaligayahan mo no?"
"Kasi nakakatawa ka talaga hahaha"
"Whatever malunod ka sana" tapos inirapan ko lang sya at humarap kila Audrey na nakanganga "Tara?"
"Huh? Anong tara?" tanong naman ni Audrey.
"Kayo maghahatid sakin sa palasyo di ba?"
"Ah haha no Rei hindi na kami pwede" biglang sabi ni Gray at nag nod naman ang iba.
"Hindi na pwede dahil mamaya ay may meeting kami maliban dyan kay Miko. Mauna na kami ha?"
At ayun na nga ang mga baliw nagmadaling umalis at talaga nga naman talaga oo, talagang dito kay Yuie ako iiwan?
"Oh bat parang nalugi ka?"
"Ikaw ba naman kasi kasama ko eh talagang malulugi ako" sagot ko at saka umirap.
At ang baliw nga naman oo imbis na mainis ay natawa pa aba nakakainis na ang lalaking to ah talaga bang baliw na tong lalaking to? Ibang klase. Kanina lang ang taray at ang suplado ngayon naman pinagtatawanan ako. Hanep.