*Mysterious*
Amaya'a POV
Marahas akong napahiga sa kama ko at pumikit saka humuntong hininga.
"Nakakapagod"
Tumagilid ako sa pagkakahiga at saka tuluyan nang nakatulog. Nagising na lang ako ng makarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko kaya naman bumangon ako at binuksan yun saka humiga ng makita ko kung sino.
"Mukhang pagod ka ah" tapos naglagay sya ng ilang damit sa closet ko. "Kumusta ang pagiging mag aaral sa GdoubleA?"
"Nakakapagod" tapos gumulong gulong ako sa pagkakahiga "nakakapagod makinig sa paulit ulit nilang tanong. Bakit ganito ang kulay ng buntot ko, kung royal ba daw ako na imposibleng mangyari, kung saan daw ba ako nanggaling" marahas akong napaupo "Nakakapagod sumagot ng HINDI KO ALAM" tapos humiga ulit ako narinig ko naman ang pagtawa ni ate.
"Gayan Talaga di mo maiiwasan ang mga ganyang tanong. Hayaan mo na lang sila dahil kapag wala silang nakuhang sagot titigil din ang mga yan" hindi ako nagsalita pero nakatingin ako kay ate "Aalis nga pala ako"
"Saan ka punta te?"
"Sa lupa" napaupo namab ako.
"Sa lupa?"
"Yep. Tayong mga mermaids may kakayahan na maging tao. Kapag nakakuha na tayo nito" tapos pinakita nya sakin ang singsing na may aqua na bato sa loob "saka na tayo makakapunta sa lupa"
"Pag nakakuha ako nyan pwede na akong makapunta sa lupa?" Nag nod naman sya.
"Yun nga lang hindi madali ang makakuha ng ganitong singsing. Kailangan mo munang dumaan sa ritwal bago ka makakuha at pagkatapos nun ay tuturuan ka kung paano maglakad." At nag nod ako. Pwede pala yun. "Kaya lang iwasang mabasa ng kahit na anong tubig kapag nasa lupa ka na dahil sa loob ng ten seconds babalik ka sa pagiging sirena" at tumayo na sya.
"Anong gagawin mo sa lupa?"
"Bibili ng maluluto. Dito kakain si Mimite mamaya kaya kailangan ko maghanda kasama nya din si Miko mamaya"
"Miko?" Gulat kong sabi "You mean yung Prinsipe ng palasyo na to?" Nagulat naman sya pero ngumiti din naman agad.
"Nakilala mo na pala ang mga Princes and Princesses?" Nag nod naman ako "well di ko masasabing okay ang maging kaibigan sila dahil may iilan na maiinggit sayo" lumangoy na sya papunta sa pinto "alis na muna ako ah? Pag dumating sila na wala pa ako sa sala muna kayo"
Ayos ah wala pa nga akong sinasabi ay umalis na agad si ate ibang klase iwan ba daw sakin ang bisita nya? Sana hindi muna sila dumating.
Ding.dong.
Mukhang hindi ako pinaboran ng magandang kapalaran ngayong araw. Napabuntong hininga naman ako. Tumayo ako at lumangoy papunta sa pinaka main door ng bahay.
"Hi Rei" bati sakin ng magandang babae.
"Yo" sabi naman ng magandang lalaki.
Goodness. Ayaw naman nila ako patayin sa inggit dahil sa mga magaganda nilang mukha no? Talagang binalandra pa nila ang mukha nila sa mukha ko.
"Hi ate Mimi, hello Prince Miko. Pasok kayo" tapos binuksan ko ang pinto at pumasok naman sila. "Kakaalis lang ni ate para bumili sa lupa."
"Okay lang dito muna kami sa sala. Gawin mo muna mga gagawin mo" at nag nod ako.
Umakyat naman ako papunta sa kwarto ko. Goodness bakit ba kasi dito nila naisipan kumain ng dinner? Sana hanggang dinner lang sila. Sana hindi nila maisipang magpalipas ng gabi dito.
"So ito pala ang room mo"
Agad akong napatalon palayo sa nagsalita at saka naningkit ang mata ko ng makita kung sino ang nagsalita.
"Kwarto ng babae to di ka dapat basta bastang pumapasok dito" sabi ko at saka ako lumangoy papunta sa study table ko.
"Prinsipe ako kaya gagawin ko ang gusto ko."
"Arrogant Prince. Whatever do what you want"
Nakita ko sa gilid ng mata ko na kumuha sya ng libro at pumunta sa kama ko saka nagbasa. Wow feeling at home ah. Pero kahit na gusto ko man syang sabihan na wag humiga sa kama wala na naman akong magagawa. Umupo ako sa study table ko at saka gumawa ng assignment.
"Hindi ka ba nagtataka?" Pagbabasag nya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Nagtataka saan?" Sagot ko habang sinasagutan ang mga math problems.
"Sa buntot mo" bahagya akong napatigil at tiningnan ang buntot ko saka ngumit.
"Naguguluhan but still may side sakin na nagsasabing I'm glad na ganito ang buntot ko." Hindi na sya nagsalita kaya naman gumawa na lang ulit ako ng assignment.
"Dahil jan gusto ka makausap ni ama"
This time marahas akong napatingin sa kanya at nagbabasa naman sya ng libro ko habang nakahiga.
"Say what?"
"Binge?"
"Ulitin mo na lang"
"Tsk. Sabi ko gusto ka makausap ni ama"
"Ama as in yung hari?"
"Tanga ka ba?"
Hindi na ako nakapagsalita dahil sa kaba at napatingin ako sa kakadating lang sa kwarto ko.
"Geez Miko hindi ka pwede dito! Kwarto to ng babae matuto kang rumespeto!"
"Tsk" tapos tumayo sya at binalik ang libro ko sa shelf at saka umalis.
"Pasensya ka na sa pinsan ko ah?" Nag nod naman ako pero hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako "May problema ba? May sinabi ba syang nakasama sa loob mo?" Umiling ako.
"Ate Mimi is that true?"
"True what?"
"Na gusto akong makausap ng hari? Totoo ba yun? Yun ba ang dahilan kung bakit kayo nandito?"
"My my, dapat mamaya pa yan sasabihin eh ang daldal talaga ng lalaking yun. Sorry Rei ah? Mamaya ipapaliwanag ko kapag nandito na si Elena." Tapos sinarado nya na ang pinto ng kwarto ko.
Kinakabahan at the same time Naeexcite. Gusto ako makita ng hari kaya lang nakakakaba dahil hindi ko alam kung maganda ba o hIndi ang ibig sabihin nito. Nakakaexcite dahil ngayon lang ako makakakita ng hari.
Natural Amaya Rei ngayon lang nawala ang ala ala mo eh. Pero hindi dahil dun kaya ko nasabi na first time ko dahil may pakiramdam ako na first time lang talaga.
---
Lumabas ako ng kwarto ng tawagin ako ni ate Elena na lumabas para kakain nandito kami ngayon sa dinning room at ni isa sa amin walang nagsasalita.
"May problema ba?" Tanong ni ate.
"Hindi naman problema ang ipatawag ni ama ewan ko ba kung bakit big deal sa babaeng- aray ate Mi masakit ka mangbatok ah"
"Manahimik ka na lang kasi"
"Tsk."
"Sorry. Nalaman kasi ni tito ang tungkol dito kaya naman gusto nya syang makita. Wala ding nasabi ang mga babaylan tungkol dito kaya nagtataka ang lahat"
"Sudden Arrival ba ang peg ko?"
"Sudden talaga" sagot naman ni ate.
---
Thank goodness na hindi sila magpapalipas ng gabi dito. Agad akong pumunta sa kwarto ko at saka humiga.
Bakit nga ba biglaan ang dating ko dito? Hindi kaya may purpose? Pero kung meron man ano yun? Tsk. Napagulong na lang ako sa kama at saka tumayo at lumangoy papunta sa bintana at tumingin sa madilim na taas ng Center Oceana.
Ano kayang pakiramdam ng mapunta sa lupa? Bakit parang tinatawag ako ng lupa? Ano ba kasi ang nangyari sakin? Bakit wala akong maalala? Napasabunot na lang ako sa light blue kong buhok na may highlight na konting gold.
What really am I doing here? Sinara ko ang bintana at saka ako lumangoy pabalik sa higaan ko.
---
'Rei you need to be strong. You need to help me Rei.'
'Who are you?'
'I am you and you are me'
'Huh?'
'Release me Rei, the war is coming'
'What war?'
'War between Mermaids and Black Mermaids'
'Anong ganap ko?'
'Release me Rei'
'Sino ka ba kasi?'
'I am you and you are me'
'Rei release me'
'Rei help me'
'Rei'
'Rei their coming'
'Rei you need to use my power'
'Rei'
'Rei'
'Rei'
Napabalikwas ako ng gising dahil sa panaginip ko saka ko lang narealize na hindi ako humihinga. Napahinga tuloy ako ng mabigat.
Sino ba sya? Bakit lagi na lang syang nagpapakita? I can't see her face and whole body its sorrounded by the light. Ni ang kulay ng buntot nya hindi ko makita.
Tumayo ako at tiningnan ang orasan. 2:53 napabuntong hininga ako, mapaling araw pa lang pero di na ko inaantok sana hindi ako antukin mamaya sa klase.
Binuksan ko ang bintana at saka nangalumbaba nakatitig ako sa kawalan ng may sumulpot na matandang sirena sa harap ko muntil na tuloy akong mapasigaw. Nakita ko ang buntot nya kahit na matanda na sya maganda pa rin ang buntot nya at golden silver ang kulay. Royal ata to si lola.
"Bakit gising ka pa hija?"
"Kakagising ko lang po lola"
"Hulaan ko dahil sa isang panaginip na laging gumugulo sayo no?" Kahit nagugulat ako ay tumango ako "Makinig ka sa panaginip mo hija matutulungan ka nyang makilala kung sino ka talaga. Matutulungan ka rin nya sa dadating na digmaan. Mag iingat ka hija."
"Po?" Tumingin sya sa buntot ko.
"Ang buntot mo ang makakatulong sayo. Ito ang magiging gabay mo sa kadiliman. Ang kinang nya na nanggaling sa buwan sa gitna ng kadiliman makakatulong sayo. Gawin mo ang tama hija."
Nganga parang bula na nawala si lola! Inilabas ko ang ulo ko para silipin kung nasan si lola pero hindi ko na nakita. Napatitig naman ako sa taas ng may makita akong lumalangoy sa labas ng barrier ng atlantis.
Black tail? It means black mermaid? Nanlaki ang mga mata ko ng mapatingin sya sa gawi ko. Agad ko g sinarado ang bintana ng kwarto ko. Goodness muntik na yun ah paano kung makita nya ako? pano kung makita nya ang buntot ko?
Makatulog na nga para akong ewan dIto. Lumangoy ako papunta sa kama ko saka nahiga. Ano ba talaga ako? Sino ako?