GOMER Halos mawalan ako ng boses, at sobra akong nanghina sa aking nakita. Kaagad akong tumakbo sa sasakyan nila Eternity, para tingnan siya, wala na talaga as in sabog ang sasakyan sa sobrang lakas ng pagsabog nito. Nanginginiga ang aking laman sa mga oras na ito, gusto kong pumatay ng tao. Hindi ako makapaniwala sa bilis nangyari, pilit kong lumapit sa sasakyan pero pinigilan nila ako, baka may bomba pa. "Eternity!!!" malakas pa rinh sigaw ko, gusto ko siyang nakita. Gusto ko siyang mayakap. Panay pa rin ang sigaw ko, habang tinitingnan ng mga kapulisan ang paligid kong safe na ba. "Sir, huwag po muna kayong lumapit." pigil sa akin ng isang pulis. "Wala akong pakialam, asawa ko ang nasa loob!" sigaw ko sa pulis Hindi ako basta-basta manahimik na lang dahil, ang taong pinakamamahal
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


