ETERNITY Galit na galit ang ama ni Mika nang makita niya kung sino ang taong lumaglag sa kanya, walang iba kundi si Jake. "Trahidor ako, pero mas trahidor kang matanda ka!" galit na sabi ni Jake sa matanda. "Tarantado ka!" pagsisihan mo ang ginawa mo sa akin!" banta ng ama ni Mika kay Jake. "Kung mawala man ako sisihuraduhin kong magsama tayo sa empyerno!" galit din na sabi ni Jake sa ama ni Mika. Naglaglagan na silang dalawa sa kanilang mga pinaggawa. "Paano mo naging kakampi si Jake?" bulong ko kay Gomer. "Mamaya ipapaliwanag ko sayo." bulong rin sa akin ni Gomer. "Ngayon, sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungang hayop ka!" ani Gomer sa ama ni Mika. "Nagkakamali ka ang kinampihan, Gomer!" sabi sa kanya ng ama ni Mika sabay tingin sa akin ng matalim. "Ang pagkakamali ko, ay

