ETERNITY Hindi ko alam ang aking gagawin paanong nawala rito. Anong gagawin ko ngayon. Tinatawag na ako ni Mr. Pyle, hindi ko puwedeng sabihin na nawala ko. Alam kong hindi maniniwala iyon. "Bakit ang tagal mo?" tanong sa akin ni Mr. Pyle habang nasa aking harapan. Nanginginig na ako sa takot. "A-Ah...wait lang po sir." sagot ko sa kanya. "Huwag mong sabihin na nawala." sabi niya sa akin at pumunta sa likuran ko para tingnan kung ano ang ginagawa ko. "Bakit wala sa file mo ang pinagawa ko, akala ko ba tapos mo na?" tanong niya ulit sa akin. "E-Eh...sigurado ko pong na-save ko po iyon bago tayo umalis." sagot ko sa kanya. "Kung na-save mo bakit wala rito? Eternity, kailangan ko na mamaya iyon." saad niya sa akin. "Sandali lang po sir, at gagawan ko ng paraan." sagot ko sa kanya. "