ETERNITY Nakita kong nakaupo si Mr. Pyle sa sahig, kita ko ang pagdurugo ng kanyang noo. Kaagad ko siyang nilapitan at tinulungan. "Sir, bakit anong nangyari sayo?" pag-aalala kong tanong sa kanya. Hl "Ok lang ako." sagot niya sa akin habang inaalalayan ko siyang bumalik sa kama. "Paano ka naging ok sa sa ganitong kalagayan.?" galit kong tanong sa kanya. "Wala pa ito sa bituka." pagbibirong sagot niya sa akin. "Lahat kasi sayo puro, pagbibiro kahit aatakihan na ako sa pag-aalala ko sayo!" inis na sabi ko sa kanya. "Bakit naman nag-aalala ka sa akin?" tanong ni Mr. Pyle sa akin. Natahimik naman ako, hindi ko alam ang aking isasagot. Bakit nga ba ako sobrang nag-aalala sa kanya. "Ah, basta!" sagot ko sa kanya. "Bakit hindi mo masabi?" pang-aasar niyang tanong. "Kasi baka, may man