ETERNITY Parehas kaming masaya ni Gomer sa gabing ito, parehas kaming may ngiti sa aming mga labi. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil linggo ngayon kaya magsisimba kami, ito ang pinakauna-unahang araw na magkamasa kaming magsimba na buo. Tulog pa si Gomer, kaya hindi ko muna siya ginising dahil maaga pa naman, pinuntahan ko muna ang mga bata, kung gising na ba sila. Saktong bukas ko ng pinto ng room nila ay saktong gising pa lang ni Gianni, tulog pa si Gunner, parang si Gomer lang talaga matulog 'tong batang 'to, malikot. Tinabihan ko muna si Gianni habag umiinum ng kanyang gatas na katitimpla lang ni Manang na silang kasama nila rito sa gabi. Hindi ko pa kasi kayang hayaang matulog sila mag-isa sa kanilang room, dahil masyado pa silang bata, ata alam kong hindi pa nila kaya. "M

