GOMER "Sir!" malakas ulit na tawag sa akin ng aking tauhan, ngunit damplis lang ang tama sa aking balikat, sa galit ko dahil sa nakitang dugo na dumadaloy sa aking katawan, ay mas lalo ko pang nilapitan ang sasakyan at kinuha ko ang mataas na armas sa aking tauhan. Ako na mismo ang nagpaulan ulit ng bala sa kanila, kasabay ng aking mga tauhan. Nakita kong palabas sila sa sasakyan at balak pa talagang tumakas kahit may tama na sila. Ngunit sa pagkakataong ito hindi ko na sila sasantuhin pa. Pinagbabaril ko na sila hanggang sa wala na silang buhay. Patakbong tumakas si Jake kaya hinabol namin siya. "Jake! wala ka ng kawala pa kahit saang impeyerno ka pa magpunta susundan kitang hayop ka!" sigaw ko kay Jake habang tinutugis nami siya, sa pagkakataong ito ay hindi ko na hahayaang makatakas

