ETERNITY Narinig kong tinawag ni Gomer ang aking pangalan pero hindi ako lumingon patuloy pa rin ako sa paglakad. "Eternity!" tawag niya ulit sa pangalan ko. "Ako po ba ang tinatawag n'yo?" sabi ng isang babae. Hindi ko pa rin sila nililingon. "Sorry, sorry, Miss." ani Gomer. "Ok lang." sagot ng babae. Naglakad pa rin ako ng normal para hindi ako mahalata. "Nahapin n'yo mga tanga, kapag nalutusan kayo humanda kayo sa akin, isa-isahin ko kayo!" sigaw ni Gomer sa kanyang mga tauhan. Natakot tuloy ako mas lalu na silang nagkalat. Nanginginig na ako sa takot na baka mahuli nila ako, at ano ang gagawin sa akin ni Gomer, baka kunin niya ulit lahat sa samin. Hindi ako papayag, kahit magkamatayan na kami. Hinding-hindi ko ibibigay ang dapat ay sa amin! Patuloy lang ako sa paglalakad hagga