GOMER Hindi ko makita si Eternity, alam kong marinig niya lahat ang sinabi ni Mika, napasuntok ako sa pader ng aking opisina. Kaagad kong binalikan si Mika. "Hayop ka, Mika, kapag hindi ko makita si Eternity, magdasal ka na dahil sisingilin kita!" galit na galit kong sabi kay Mika halos masakal ko na siya sa sobrang galit ko. "Huwag ako, Gomer, dahil kilala mo rin ako!" galit na sagot ni Mika.l sa akin. "Wala akong pakialam sayo, Mika!" sigaw ko. "Wala ka ng makikitang Eternity, Gomer, wala na!" galit na sabi ni Mika. "Lumayas ka na dahil kung makikita pa kita dito sa building ko baka ihulog kita sa bintana!" sigaw ko sabay labas ng aking opisina para hanapin ngayon si Eternity. Nasa sasakyan na ako, panay na ang tawag ko kay Eternity ngunit hindi pa rin niya ako sinasagot. Halos