ETERNITY Hiindi ako nagkakamali, si Jake ang aking nakita, pero bakit gano'n ang kanyang anyo? Paglingon ko ulit ay wala na siya, pero hindi niya ako nakita. Kailangan ko 'tong sabihin kay Gomer. Ano'ng pakay ni Jake, at talagang ang lakas ng loob niyang pumunta pa talaga rito sa bahay ni Gomer. Ang laki ng pinagbago niya, lalo na ang kanyang pangangatawa parang nahihirapan siya. Binaliwala ko muna ang 'yun saglit at unahin ko muna ang paghahanda ng makakain nila, saka ako aakayat sa taas para balikan sila. "Good morning, Manang." nakangiti kong bata sa matanda. "Good moring din sa'yo." nakangiting bati rin ni Manang sa akin. "Anak, 'yon na ba ang mga anak ninyo ni sir?" tanong sa akin ni Manang, anak na rin ang tawag niya sa akin, mula noong dumating ako sa bahay ni Gomer noon. "Opo,

