ETERNITY Kaagad lumapit ang mga guard na tinawag ni Gomer, habang yakap-yakap niya ako. Tinawagan din niya kaaga ang kanyang asisstant para sunduin kami. "Yes, Sir?" tanong ng mga guard kay Gomer na kararating lang. "Mga tanga ba kayo? bakit may nakapasok sa sasakyan ko na ganito?!" galit na tanong ni Gomer. Tiningnan naman ng mga guard kung ano ang nasa loob ng sasakyan ni Gomer, pati sila ay nagulat sa nakita. Isang patay na pusa na pugot ang ulo. "Sorry, Sir, titingnan na po naman sa cctv." sabi ng isang guard kay Gomer. "Pasalamat kayo may kasama ako, kundi talagang malalagot kayo sa akin!" ani Gomer. Pinapakalma ko si Gomer, dahil wala namang masamang nangyari sa amin. "Pasensya na po talaga sir." hinging paumanhin ng guard kay Gomer. "Babalik ang assitant ko mamaya rito, at

