GOMER Halos napakuyom ang aking kamao habang nabasa ko ang mensahe sa aking phone. Sige lang pagbibigyan ko sa ngayon, may kailangan pa akong unahin sa ngayon bago ko kau haharapin lahat. Magpakasasa kayo sa barya na nakuha ninyo. Kulang pa iyan sa dagdagan pa ninyo mga hayop kayo. Unahin ko muna ang importanteng bagay sa buhay ko bago ko kayo pagtuunan, alam kong darating ang araw na maniningil na ako sa inyo. Hinabilin ko si Eternity sa kanilang kasambahay, uuwi na muna ako dahil may aayusin muna ako. "Manang, kung may problema man dito ay tawagan ninyo ako kaagad." bilin ko sa matanada. "Sige po, Sir." sagot niya sa akin. "Ito po ang number ko, anytime ay puwede n'yo po akong tawagan basta may probelma." sabi ko sa matanda. "Sige, Sir, salamat." aniya at inabot naman nito ang ak

