ETERNITY "Ok ka lang?" tanong sa akin ni Gomer. "Hmp.. oo ok lang ako." sagot ko sa kanya. Nagkatinginan naman ang aking mga magulang, at magulang ni Gomer. Hindi ko alam kung anong iniisip nila, kung bakit sila nagkangitian. "Ehem, kumain na tayo." saad ng Daddy ni Gomer. "Mabuti pa nga gabi na." dagdag din ni Daddy kaya kumain na kami. Masayang nag-uusap ang mga magulang naman ni Gomer, pinag-uusapan nila ang date ng aming kasal. Gusto nila ay sa mas lalong madaling panahon na. Mas atat pa sila kaysa amin ni Gomer, hinayaan na lang naming sila an magdisisyon, napapangiti na lang kami ni Gomer, excited sila masydo sa kasal namin. Kung ano man ang magpagkasunduan nila ay susundin na lang namin ni Gomer. Parehas kaming masaya dahil magkasundo na ang pamilya namin, wala an kaming iisipin

