ASH "Wala pa rin ba si Uno?" Nilingon ko si Papa at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Baka papunta na rin po 'yon." "Are you sure? Alas-sais ang usapan n'yo, 'di ba?" "Opo." And he was ten minutes late. Muli akong sumilip sa bintana namin. Naroon pa naman ang sasakyan ni Uno kaya sigurado akong hindi pa siya umaalis sa mansion nila. May printed name niya ang harapan ng kotse niya. Same goes for One. Regalo iyon ni Ninong Nathan sa kanila para hindi na raw sila nagse-share sa isang sasakyan. After one month punishment of riding a bus, Ninong gave those cars to them. I already texted him asking where he is, but no reply. I waited for another few minutes. Nang hindi pa rin siya dumating, tumayo na 'ko at tinungo ang pinto. "Pupuntahan ko na po siya sa kanila." Napahint