SKYE Ngayong araw ang friendly match namin sa volleyball team ng University of North. Alas-nuebe ng umaga ang call time ng team namin para makapag-warm up muna bago ang actual game sa kanila after lunch. Pero anong oras na? It's already past nine. Lagot ako nito sa Captain namin. Dahil nagmamadali akong tumakbo papunta sa gym, hindi ko napansin ang grupo ng mga babaeng papasalubong sa akin nang lumiko ako. Huli na para makaiwas dahil bumunggo na 'ko sa isa sa kanila at pareho kaming napaupo sa sahig. "Captain!" narinig kong sigaw ng mga babae. Nang tumingin ako sa harap, inaalalayan na ng mga ito patayo ang babaeng nakabunggo ko. Tumayo na rin ako at agad na nag-sorry. And while looking at them, the first thing I noticed was their uniforms. Hindi sila tagarito. At nang matitigan kong