CHAPTER 10:

2320 Words
CHAPTER 10: KUNG LOLA KO SIGURO ANG TATANUNGIN, masyadong mabilis ang dalawang buwan na pagkakakilala para maging magkarelasyon. Ni wala pang ligawang nangyari, basta date na kaagad. Pero sa panahon kasi ngayon, hindi na uso ang pabebe. Hindi na uso ang magpaligoy-ligoy pa dahil kung gusto ninyo ang isa't isa, sunggab na kaagad. "Sana all may jowa!" Iyon kaagad ang sagot sa akin ni Nora nang ibalita kong kami na ni Stefano. Napakamot ako sa batok sabay kagat sa pang-ibabang labi. Hindi ko mawari kung kikiligin ba ako o mahihiya dahil sa sinabi ni Nora. "Okay lang ba 'yon? Ni hindi na siya nagtanong kung pwede bang manligaw, basta na lang niya sinabi kung okay lang daw bang mag-date kami." "Naku ateng! Wala na tayo sa kapanahunan ni kopong-kopong para isipin pa ang mga bagay na 'yan." "Kaya nga e, iyon na nga lang ang iniisip ko. Pero kasi baka isipin niya naman na ang easy to get ko, 'di ba?" Mabilis na dumapo ang daliri ni Nora sa tagiliran ko sabay kurot. "Aray!!!" hiyaw ko nang maramdaman ang pinaghalong kati at hapdi sa kurot niya. Sinamaan ko siya ng tingin habang hinihimas ang tagiliran kong kinurot niya. "Ang sakit ha!" "Ikaw kasi, ang dami mong iniisip. I-enjoy mo na lang ang pagkakaroon ng boyfriend. Once in a blue moon ka lang magkaro'n niyan kaya i-enjoy mo na!" Humugot ako ng malalim na hininga sabay tango. "Kunsabagay, baka sa susunod wala na akong boyfriend." "So for you, hindi pa end game?" Ngumiti ako. "Hindi ah! Baka kasi hind na lang boyfriend!" bulalas ko. Pareho kaming napatili sa sinabi ko. Pareho kaming kinilig at nagtatatalon sa tuwa. Sino ba naman ang hindi kikiligin, 'di ba? May boyfriend na ako ulit matapos ang apat na taon na pagiging single! "Sana lang madiligan ka na ateng!" aniya. Huminto ako sa katatalon nang sabihin niya 'yon. "Ayan na naman tayo sa madiligan e. Wala pa kaming isang araw nasa isip mo na kaagad ang madiligan? Alam kong namimiss mo na, kaya mag-night off ka na at magpunta sa bar para maghanap ng didilig sa 'yo!" "One-night stand lang ang peg?" "Aba why not?" Ngumisi siya na para bang nagustuhan ang ideya ko. Napailing na lang talaga ako sa mga pinag-iisip ng kaibigan kong 'to. Ang wild ni Nora mag-imagine kung minsan, kaya nga sa aming dalawa siya ang may pinakamaraming experience sa mga bagay-bagay. "Iyan ang hindi ko pa nagagawa, one night stand! Kaso nakakatakot kasi baka may aids pala ang makasama ko sa isang gabi, eew!" bulalas niya. "Edi bago kayo mag-ano, i-background check mo muna siya." Napaurong siya. "Anong background check? Edi nawala ang excitement?" Natawa na lang ako sa kaniya. "Bahala ka nga sa buhay mo." Dumiretso na ako sa kwarto para kumuha ng damit na pamalit. Gabi na at nag-enjoy kami ni Stefano sa maghapon na magkasama kaming dalawa. Pagkatapos ko kasing sabihin na okay lang sa akin na mag-date kami, nag-date na kami kaagad kanina. Ngumiti ako nang ma-imagine iyong nangyari kanina. . . pero. . . Bakit parang may kakaiba? Bakit parang may kulang? Pilit kong ipinagsawalang-bahala ang kakaibang nararamdaman ko. Lalo na at naging maayos naman ang relasyon namin ni Stefano. Sweet siya at mabait. Siya 'yong ideal guy ng nga babae. Ngunit kahit na gano'n, hindi ko pa rin maiwasang mangamba, hindi ko maiwasang ikumpara siya noong nakakachat ko pa lang siya kaysa sa ngayon. Kanina pa ako nakapangalumbaba sa harap ng laptop ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang kwentong gusto kong isulat. Noong nakaraan lang ay nakapagdesisyon akong magsulat ng romance novel na tungkol sa lalaking almost perfect at sa babaeng lahat na lang ng maling ugali ay nasa kaniya na. Sa kwentong isusulat ko, iyong babae ang palaging may problema at iyong lalaki naman ang palaging magpapasensya. Pero hindi ko talaga alam kung paano sisimulan. . . "Ateng, alis na ako ha? Baka mamayang gabi na ako makauwi," paalam ni Nora. Nilingon ko siya, nakasuot siya ng button down blouse na kulay navy blue at skinny jeans na kulay itim. Ang buhok niya ay nakatali into a bun pero hindi pa rin talaga inalis ang bangs niya. "Ingat ka! Good luck sa signing of contract!" nakangiting sabi ko. "Thank you!" Nag-flying kiss pa siya bago ako tinalikuran. Bumuntonghininga ako at saka muling ibinalik ang tingin sa laptop. Dito talaga ako palaging nahihirapan e, iyong unang eksena. Kinagat ko ang labi ko. E kung lagyan ko kaya ng fantasy? Twist gano'n? Napahilamos ako sa mukha ko at mabilisang pinindot ang back. Mag-o-open na lang muna ako ng commission kaysa mangunsumisyon ako sa kaiisip kung ano ang isusulat! Inuna ko na lang na gawin 'yong project na ibinigay sa akin ng isang client. Tatapusin ko na lang siya kaagad kahit na mahaba pa naman bago ang deadline. Tahimik na sinimulan ko iyon hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Alas dose nang mag-alarm ang alarm clock ni Nora, ibig sabihin kailangan ko nang kumain ng tanghalian. Naglalagay kasi siya ng alarm clock para hindi makaligtaan ang pag-kain. Dumiretso ako sa kusina, doon ko lang na-realize na hindi ko pa natatawagan manlang si Stefano. Bumalik ako sa kwarto at hinagilap ang phone ko. Nakita ko 'yon sa ibabaw ng side table ni Nora at binuksan. Bumungad sa akin ang text message na galing kay Stefano. . . From Stefano to Ailith: Lith, mukhang busy ka yata ngayon. Tawagan mo ako kapag hindi ka na busy. Alam kong nag-umpisa ka na ulit sa trabaho. I love you! Natigilan ako roon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Hinagilap ko ang ibang text messages ni Stefano roon at unti-unting nagtaka. Kasi, hindi siya ganito magchat noon. . . hindi ganito ka-formal. Slang siya kung magchat sa akin kaya bakit ganito siya magtext ngayon? Posible bang binago niya? Humugot ako ng malalim na hininga. Dapat hindi ako nag-iisip nang ganito e. Dapat hindi ko siya pinaghihinalaan lalo na at siya naman talaga iyong profile picture na naroon sa dating website. At saka, kung hindi siya 'yon, bakit niya aaminin na siya si ZDA24 kung hindi? Umiling ako at saka pinindot ang "call" sa gilid ng message ni Stefano. Ngumiti ako at muling bumalik sa kusina, hinintay kong sumagot siya sa tawag. Saglit lang ay sumagot din naman siya. "Hello, Lith! Akala ko nakalimutan mo na ako e. Ni hindi mo ako binati ng good morning," bungad niya. "Pasensya na talaga, kapag oras kasi talaga ng trabaho ko naka-silent ang cellphone ko," paliwanag ko. "You're so dedicated with your work, kumain ka na?" "Kakain pa lang." Kumuha ako ng plato sa pingganan. Pati kutsara na rin. S'yempre hindi nawala ang mug dahil magtitimpla ako ng kape. Kahit tanghaling tapat, kape is life. "Pwede ba tayong mag-usap habang kumakain ka?" tanong niya. "Ayos lang, ila-loud speak ko na lang para marinig kita." Pinindot ko ang loud speak at inilapag sa lamesa habang nagsasandok ng kanin. "Kumusta pala 'yong plano mong isulat na webtoon series? Naumpisahan mo na ba?" Ngumuso ako at bumalik sa lamesa nang makakuha ako ng kanin at ulam na adobong paksiw na galunggong. "Wala pa nga e. Siguro naninibago ako sa pure romance na kwento," bahagyang natawa ako. He chuckled too. "It's fine, pero sa tingin mas i-pursue mo ang romance dahil it's formal than erotic. I like romance better than erotic stories," aniya. Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ang sinabi niya. Kumabog ang puso ko nang dahil sa kaba. "M-mas gusto mo ang romance kaysa sa erotic?" pag-uulit ko pa. "Yes, kung hindi mo naitatanong I am hopeless romantic." Napamura ako sa isip ko. Hindi na 'to tama, maling-mali na 'to! "Ah, ganoon ba? K-kumain ka na ba?" paglilihis ko ng usapan. "I'm done, mayamaya lang back to work na ako." "Ah okay, kakain na muna ako ha? Hindi kita masasagot habang ngumunguya e." Matapos kong magpaalam ay sinimulan ko nang kumain. Pero habang kumakain ako, hindi ako mapakali. Hindi matanggal sa isip ko 'yong sinabi niyang hindi niya gusto ang erotic at mas gusto niya ang romance. Tandang-tanda kong mas pinili niya ang kwento kong The Doll Who Raped Me Everynight dahil ayaw niya sa romance! Binilisan ko ang pag-kain at mabilis na ininom ang kape sa mug ko. Patakbo akong bumalik sa kwarto para buksan ang laptop at buksan ang dating website na Omigad. Doon ay ipinagkumpara ko ang format ng text ni Stefano at ZDA24. Sobrang magkalayo. . . Talagang hindi siya 'to! Ilang beses kong pinag-isipan ang gagawin ko, ilang beses kong inisip kung tama ba ang gagawin kong i-chat ang account ni Stefano bilang ZDA24 hanggang sa. . . Nakumpirma kong magkaibang tao nga sila. Mayamaya pa ay tumunog na ang cellphone ko. Kabadong-kabado akong pinindot ang answer button pagkatapos ay inilagay sa tenga ko ang phone. "H-hello?" Nanlalamig ang mga kamay ko, maging ang mga paa ko ay nanlalamig pero pinagpapawisan. Kinakabahan ako lalo na at ito ang unang pagkakataong maririnig ko ang boses niya. "Ailith, can I tell you my real name? But it's a secret." Napalunok ako nang marinig ang garalgal na boses niya, isang boses na para bang palagi kong naririnig. Para bang pamilyar na sa akin pero hindi ko lang maisip kung saan ko narinig. "Nasabi ko na sa 'yo noon ang totoo kong pangalan, ngayong nahuli na kita baka pwede namang huwag mo na akong lokohin?" May pagkasarkastiko sa pagkakasabi ko no'n. Unti-unting bumalot sa sistema ko ang pait. Kung kanina ay halos hindi ako makapaniwala, ngayon rumehistro na sa akin ang lahat. Niloko ako! Ginago ako! At ang tanga-tanga ko! "The reason why I didn't reveal my real face on that dating website is because I am hiding my identity." "S'yempre ano pa ba? Ano pa bang ibang dahilan para lokohin mo ako? Hindi ba dahil gusto mong itago ang pagkatao mo?! Ano pa ba?!" Naghuhurumintado na ako, oo. "I'm sorry, Ailith. I'm really sorry. . ." Ramdam kong sincere ang pagkakasabi niya no'n lalo na at tila ba humaplos ang boses niya sa puso ko. At kahit galit na galit ako sa kaniya, tila nawalan iyon nang saysay sa isang sorry niya lang. "T-tapos, noong gusto ko pang makipagkita sa 'yo, bigla kang hindi na nagreply. Alam mo bang ang sakit sakit n'on para sa akin? Alam mo bang para akong tangang umiyak dahil lang hindi ka na nagreply pa?" sumbat ko sa kaniya. "Ailith. . ." "Ang sama mo para lokohin ang isang walang kaalam-alam na tulad ko!" "Ailith, I'm Zareb Devin Aguilar!" Zareb Devin Aguilar is a well-famous lead rapper of Sexy Seven at napaka-imposibleng siya ang nakachat ko. Dahil sa libo-libong babaeng may gusto sa kaniya, imposibleng patulan niya ang profile picture ko sa Omigad. Pero nagkamali ako sa inakala kong imposible. Kahit delikado ang makipagkita sa taong nanloko sa akin, pinilit ko. Bitbit ang matatalim na bagay sa bag ko, kabado akong naghintay sa parking area ng isang hindi kilalang hotel. Medyo matagal siya, at ilang beses kong naisip na huwag na lang ituloy ang pakikipagkita. Hanggang sa tuluyan siyang nagpakita sa akin. "I know you're still in doubt," aniya. Nasa loob na kami ng kotse niya at hindi ako makagalaw habang nakaupo sa tabi niya. "Please, talk to me," dagdag niya pa. Marahan akong lumingon sa kaniya. Napalunok ako dahil siya talaga si Zareb. Maputla ang balat niya, singkit ang mga mata at kulay tsokolate ang maalon niyang buhok. "Bakit nag-swipe right ka sa profile ko sa Omigad?" Alam kong para akong tanga dahil 'yon ang unang tinanong ko sa kaniya. Pero bahala na, alam ko namang tanga ako kasi naniwala ako sa kaniya. "Because I find you cute," sagot niya. Kinagat ko ang labi ko at saka siya tinaasan ng kilay. "Anong cute? Cute lokohin? Cute pag-trip-an?" singhal ko. "Look, I'm just trying to relieve my boredom that time. Hindi ko naman inasahan na mas hahaba ang usapan natin. And I didn't thought that I will be that comfortable to talk to you." "Ako rin naman, bored ako noong nakipag-usap ako sa 'yo pero hindi ako nagpanggap! Panloloko kasi ang ginawa mo." Dinilaan niya ang labi niya pagkatapos ay nag-iwas ng tingin. "I'm really sorry, Ailith." Hinawakan niya ang manibela ng kotse niya habang nakatingin sa labas. Tinted naman daw at soundproof ang kotse niya kaya ayos lang. "Paano 'yan? Magkalimutan na tayo ha? Nakipagkita lang ako para mapatunayang hindi mo na ako niloloko this time." Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at hinawakan ang pinto ng kotse. Although masakit sa puso, lalo na at nagkaro'n ako ng feelings sa kaniya, kailangan ko siyang i-let go dahil boyfriend ko na si Stefano. "Wait." Napahinto ako sa pagtatangkang buksan ang kotse. Ibinaling ko ang tingin sa kaniya ng may pagtataka. "I like you, I really do. For the past month that we didn't talk to each other, I tried to stop myself from thinking about you but I can't. Sinubukan ko ring makipagchat sa ibang babae but I failed to find someone like you." Nanginig ang pang-ibabang labi ko. Kung sana nagpakilala lang siya nang mas maaga, baka pwede. Baka pwede kong i-etsapwera ang totoo na isa siyang sikat na personalidad dahil nga may feelings ako para sa kaniya. Pero kumplikado na ngayon, imposible na. "Gusto rin kita, pero sorry dahil iyong picture ng lalaking ginamit mo sa Omigad, boyfriend ko na siya ngayon." Hindi siya nakasagot, saglit na napatitig siya sa akin hanggang sa yumuko siya. "Do you have feelings for him? As much as you feel for me?" That made me stopped. Kasi. . . May feelings ba talaga ako kay Stefano o dahil lang inakala kong siya si ZDA24?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD