CHAPTER 8:
ILANG BESES AKONG YUMUKO HABANG PAPASOK KAMI SA loob ng restaurant. Nakakahiya talaga, ang class ng mga tao rito at mukhang mga mayayaman habang ako, para akong nakisali lang.
Nang makarating kami sa lamesang para sa amin, tinulungan niya pa akong maupo bago siya naupo sa sarili niyang upuan.
"Bakit yuko ka nang yuko?" takang tanong niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "A-ano kasi, nahihiya ako. Ang gaganda ng suot ng mga tao rito. Tapos naka-tuxedo ka pa! Hindi mo naman ako in-inform na ganito pala rito," sagot ko.
Umawang ang labi niya, hanggang sa bahagya siyang natawa. "You're such a cutie!" sagot niya. "Bakit ano bang suot mo? Malinis naman at disente. No one cares what you wear, ang importante ay maganda ka."
Nakagat ko ang labi ko nang dahil sa sinabi niya. Nakakainis, nakakakilig!
"Pero nakakahiya pa rin. . ." Mahinang tugon ko.
Ngumiti siya. "Don't worry, sa susunod hindi na tayo rito. Sabi ko kasi sa 'yo, ikaw ang mamili e."
Tumango ako. "Sige, ako na talaga ang mamimili ng pupuntahan next time. Baka mas bongga pa rito ang piliin mo sa susunod."
"Alright, let's eat? Nag-order na ako ng pagkain kanina habang hinihintay kita," paanyaya niya.
Bumaba ang tingin ko sa mga pagkain at saka kinuha ang aperitivo. Iyong wine na sini-serve sa mga Italian restaurant. Wala akong masyadong alam dito pero nag-research ako noong sinabi niyang si Italian restaurant kami pupunta.
Inuna ko iyong damputan, nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay halata ang pagkamangha.
"You know aperitivo?" tanong niya.
Tumango ako. "Kaunting research lang, para hindi ako magmukhang tanga."
Natawa siya at inangat ang wine glass niya. "Cin cin!"
Ngumiti na lang din ako kahit hindi ko alam ang ibig sabihin no'n, "Cin cin!" sagot ko rin.
Iminuwestra niya ang wine glass na para kaming mag-chi-cheers. Doon ko lang na-gets. Kung alam ko lang, edi sana mas nag-research pa ako.
Nag-umpisa na kaming kumain, ang unang kinain namin ay 'yong smoked salmon. Habang kumakain, tahimik lang akong nagpapanggap na marunong akong gumamit ng mga kubyertos. Nakakahiya talaga, mabuti na lang at kahit papaano nakapagresearch ako! Ito ang expertise ng isang writer at artist, researching!
"Ano nga pala ulit ang trabaho mo?"
Natigil ako sa pagtitinidor ng pasta nang itanong niya 'yon. Kumunot ang noo ko at saka nag-angat ng tingin sa kaniya.
"Hindi mo alam?" takang tanong ko.
Pumilig ang ulo niya. "I forgot, sorry. . . Ang dami kasing ginagawa these days kaya, sorry talaga," paliwanag niya.
Marahan akong tumango. Napaka-imposible namang nakalimutan niya dahil binasa niya pa nga ang webtoon series ko. Natapos niya nga ng ilang araw lang. . . pero siguro nga at nakalimutan niya.
"Freelancer ako, pero mas focused aki sa pagiging webtoon artist and writer at saka graphic design," sagot ko.
Medyo nakakasama ng loob dahil nakalimutan niya. . .
"Oh, that's why you're great at researching. Ang galing mga writers when it comes to imagination but still taking it to reality. Naging lawyer ka na rin ba?"
Umiling ako. "Naku, hindi pa. Mahirap magresearch lang sa gogle kapag tungkol sa law. Delikado kapag may nakabasang attorney kagaya mo," sagot ko.
Tumango-tango siya. "Ang galing mo," puri niya sa akin.
"Salamat, sinabi mo na 'yan no'ng mabasa mo ang isang kwento ko."
Nag-aalangang tumango siya ulit. "Y-yes, you are good. I remembered everything."
Nawala ang sigla ko nang dahil doon. Hindi ko naman inakala na makakalimutan niya nang ganoon lang ang tungkol sa pinag-usapan namin. Ganoon ba kapag attorney? Nakakalimot na nang dahil sa dami ng ginagawa?
Natapos ang pag-kain namin na siya lang halos ang nagkukwento. Ikinuwento niya sa akin ang tungkol sa trabaho niya, nagtanong din siya tungkol sa mga hilig ko. Nawalan kasi ako ng ganang makipag-usap mula no'ng makalimutan niya ang trabaho ko.
"Okay ka lang? Napansin kong nag-iba ang mood mo kanina, may problema ba?" tanong niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya sabay iling. "Wala naman, hindi siguro ako sanay sa Italian food. Medyo sumama ang tiyan ko e."
"Ganoon ba? Pumunta ka na muna ng banyo bago tayo umalis. I'll wait," aniya.
Umiling ako ulit. "No, hindi na. Ayos lang ako, parang ano lang, kinabag gano'n," pagdadahilan ko pa.
Muli siyang tumango at saka ngumiti. "Pero, na-enjoy mo naman ba ang company ko? Or do you find me boring?" tanong niya na naman.
Mabilis na umiling na naman ako. "Hindi ah! Na-enjoy ko! 'Yong lugar lang talaga, medyo hindi ako kumportable dahil nga hindi ako sanay sa mga pangmayamang lugar!"
Tumango siya, tumayo na rin at ganoon din ang ginawa ko. Hindi ko alam kung magkano ang bill ng kinain namin dahil hindi niya pinakita. Alam kong mahal 'yon dahil nga mamahalin dito. Gusto ko ang ganoong ugali niya, na hindi niya ipinakitang may malaki siyang pera.
Pagkalabas namin ng restaurant, dumiretso kami sa parking area. Namangha na naman ako nang makita ko ang kulay itim niyang kotse. Honda civic type r iyon, nakita ko na rin 'yan sa mga kotseng ni-research ko noon. Although hindi naman ganoon kabongga at sobrang mahal ang kotse niya, namangha pa rin ako.
"Ihahatid na kita sa inyo," paanyaya niya.
"Hala hindi na! Kaya kong mag-jeep."
"No, I insist. At saka, gusto pa kitang makausap habang nasa byahe. I want to know more about you," aniya.
Napawi ang inis ko sa kaniya nang dahil sa sinabi niya. Ano nga bang ibig sabihin kapag gusto pang makilala? Sa pagkakaalam ko sa mga romance webtoon, getting to know stage bago magtapat ng feelings!
"Sige na nga!" kunwari pang napilitan na sagot ko.
Pagkasakay sa kotse, pinaandar niya na 'yon at tinanong kung saan ako nakatira. Sinabi ko, s'yempre.
Ang lamig sa loob ng kotse niya, parang gusto niya yatang magyelo kami. Hindi naman sa ignorante ako, sadyang ngayon lang ako nakasakay ng kotse na sobrang lamig ng aircon. Sleeveless pa man din ang suot ko!
"Giniginaw ka?"
Mabuti at nakaramdam. "Oo, sobrang lamig ng aircon mo!"
Kinuskos ko gamit ang magkabila kong kamay ang mga balikat ko. Sobrang lamig talaga!
"Sorry, sanay kasi ako ng ganito. Hihinaan ko na lang, wait." At hininaan niya nga ang aircon hanggang sa sinabi kong okay na.
"Anyway, do you have plans on writing another webtoon series?"
Tumango ako. "Oo, pero wala pa akong maisip na idea ngayon e."
"I see, kailangan din talagang ipahinga ang utak to refresh," sagot niya. "Hmm, alam kong ang bilis ko, pero anong klaseng lalaki ang gusto mo?"
Tila tumunog sa ulo ko ang tanong niyang iyon. Unti-unti na yata, ito na!
"Ako? Simple lang naman ang gusto kong lalaki, 'yong kaya akong intindihin. Minsan kasi may toyo ako," sagot ko sabay pagak na natawa.
"I like that," natawa siya. Pero iyong tawa na 'yon, ang sexy!
"Anong gusto mo ro'n? Iyong minsan may toyo?" takang tanong ko. E halos lahat ng lalaki, ayaw ng may toyo ang babae!
"Yeah, I like to cuddle all the time. Kaya kung may toyo, aamuhin ko."
Natawa ko nang pabebe. Pansin ko lang, puro tawa na lang ang ginawa ko ngayon ah? Paano ba naman kasi, kinikilig ako.
"E ikaw? Anong gusto mo sa babae?"
Nilingon niya ako saglit para lang ipakita ang gwapo niya ngiti.
"'Yong palaging may toyo," banat niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, hinampas ko na siya sa braso. Pero s'yempre siniguro kong marahan iyon dahil nakakahiya naman kung pang-amazona ang hampas ko.
"Lakas mong bumanat ah?" natatawang sabi ko.
Nagtawanan na lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay nila Nora.
Kaagad kong sinilip ang oras sa cellphone ko, alas otso na!
"See you again next time," aniya.
Tumango ako. "See you!'
"I enjoyed your company. Sobrang gaan mong kasama," dagdag niya.
Hindi na ako nagsalita, kasi baka mamaya mapatili pa ako sa sobrang kilig. Nagpaalam na lang ako at saka bumaba na ng kotse niya. Hinintay ko siyang umalis bago ako tuluyang pumasok sa gate ng apartment.
Ngiting-ngiti akong pumasok sa loob ng bahay habang si Nora naman ay ngising-ngising sinalubong ako.
"Ganda ng ngiti mo ah? Mukhang happy ah?"
Tinaasan ko siya ng kilay habang hindi pa rin napipigilan ang ngiti. "Mayroon bang nakangiting hindi happy? Ewan ko sa 'yo!"
"Sus! Susunod niyan, dilig na talaga!"
"Ikaw talaga, bakit ba dilig kaagad ang iniisip mo?" Inalis ko ang suot kong sandals at saka inilagay sa shoe rack.
"Ewan ko ba, parang ako kasi yata ang kulang sa dilig!" Natawa siya.
"Edi huwag mo sa akin ituro ang dilig na sinasabi mo r'yan!"
Kumamot siya sa ulo at naupo sa sofa. "Parang gusto ko na rin ngang magpahinga muna. Ang kaso, next week pipirma na ako ng kontrata!" kinikilig na pahayag niya.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na dumalo sa kaniya sa sofa. "Talaga? Sa adoptation ng story mo?! Finding Antidote?!" bulalas ko.
Mabilisan siyang tumango. "Oo! Wala na talagang atrasan! Kasama rin ako sa kinuhang magsusulat ng script! Grabe, sobrang blessings na 'to para sa akin," masayang aniya.
"Congrats! Hoy mag-celebrate tayo, kahit isang araw mag-day off ka!"
"Oo naman! Magse-celebrate talaga tayo."
Masaya ako para kay Nora, at the same time ay naiinggit dahil pangarap ko rin naman iyon. Ang kaso hanggang ngayon hindi pa rin ako kasing-sikat niya. Mas nauna akong nagsulat sa kaniya ng webtoon pero mas nauna siyang sumikat.
Pero sadyang ganoon yata talaga ang buhay, may tamang time para doon kaya malugod ko iyong tinanggap. Alam kong mabibigyan din ako ng chance na balang-araw.
Matapos kong maghalf-bath at magbihis, nahiga na kaagad ako sa banig habang si Nora ay abala pa rin sa trabaho niya.
Sa loob ng apat na taon, ngayon lang ako ulit kinilig nang ganito dahil sa lalaki. At mukhang patuloy niya pa akong pakikiligin.
Kinabukasan, maaga na naman akong nagising dahil maaga akong nakatulog. Kaagad kong binuksan ang phone ko para tingnan kung may text na ba si Stefano pero wala pa. Mukhang hindi pa siya nagigising. Sanay akong siya ang unang nagtetext sa akin dahil maaga siyang nagigising, pero siguro ngayon hinabaan niya ang tulog niya dahil sabi niya ay rest day niya ngayon.
Matapos magtimpla ng kape, naupo na ako sa sofa at sinimulang magtipa ng message para kay Stefano. Kung minsan mas okay rin na ako ang unang magtext kaysa palaging nagpapabebe.
Ailith to Stefano:
Hi, good morning! Kape tayo?
Hinintay ko siyang magreply. Pero ilang minuto na ang lumipas, wala pa rin. Kaya nagpasya akong magbukas na lang ng ytube, naalala ko 'yong kantang Biglang Iniwan ng Sexy Seven. Hindi ko pa pala napapanuod ang music video.
Habang pinapanuod ang music video ng Biglang Iniwan, hindi ko maiwasang mapatitig kay Zareb. Ang gwapo kasi at saka ang lakas ng bad boy na dating niya, ang galing pa mag-rap!
"May mga araw na ika'y aking naaalala,
Tandang-tanda ko kung paanong nakilala,
Malungkot pero alam kong matatag ka,
Isang babaeng walang sawa kung umunuwa." Unang linya palang kinikilabutan na ako.
Simpleng mga salita pero nadadala niya nang husto kung paano siya magrap.
Kung noon hindi ko gusto ang mga kanta nila dahil ang hilig ko ay senti na kanta, bigla akong na-curious na panuorin din ang ibang music videos nila. Hanggang sa napanuod ko na ang lahat. . .
Nang matapos akong panuorin, pakiramdam ko ay nabitin pa ako sa mga kanta nila. Pinanuod ko rin ang vlogs nila.
Bumungad sa screen ang mga salitang "SEXY SEVEN VLOG 1: FAST TALK."
Si Zareb ang unang nagsalita na ikinangiti ko.
"Hey! I don't know how to do an intro for a vlog! You go first Andrew!" aniya.
"Ayaw ko! Ito na lang si Veron!" turo naman ni Andrew.
Pumangalumbaba ako habang pinapanuod sila. Nakakatuwa silang panuorin, para silang mga batang nagtuturuan. Sa huli, si Veron na nga ang nag-intro at siya na rin halos ang nagsalita.
"So last time, nagpost kami sa page namin kung ano ang mga gusto na gusto n'yong itanong sa amin. We gathered the first 100 questions, s'yempre aside from mga hindi matino ha!" si Veron.
Inumpisahan nang magtanong, may isang staff sa likod ng camera ang nagtanong sa kanila.
"s*x or chocolate?"
Napatawa ako nang itutok kay Jorob ang mic.
"Chocolate," mahinahong sagot niya.
"Kasi virgin!" bulalas ni Zareb.
Mabilis na sinuntok ni Jorob sa balikat si Zareb na tatawa-tawa lang. Itinutok naman sa katabi ni Jorob na si Zareb ang mic.
"s*x, I like erotic than romantic chocolate!" he exclaimed.
"Hoy! Bastos ka—" Nilagyan ng censored ang sinabi ni Nicholai.
"Walang habas 'yang dila ni Zareb, e! Sorry po sa mga batang nanunuod!" Hinging paumanhin ni Ryder.
Napahawak ako sa dibdib at biglang naalala 'yong ipinuna ni ZDA24 sa kwento ko noon. . .
“Yep, I'm not. That's why I'll choose this erotic story of yours, The Doll Who Raped Me Everynight.”
Mas gusto niya ang erotic kaysa sa romance. . .