PROLOGUE:

1239 Words
PROLOGUE: WEIRD. Oo weird talaga itong nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maramdamang si Stefano at ZDA24 ay iisa. Naramdaman ko na 'to noon, lalo na nang mapansin kong magkaiba ang text format nila. English-ero kasi si ZDA24 habang si Stefano ay mas madalas magtagalog. Pero ewan ko ba, kahit na duda na ako, pilit ko pa ring ipinilit dahil mabait naman si Stefano gaya ng nakilala kong ZDA24. Napaka-imposible naman kasing hindi si Stefano si ZDA24 lalo na at siya talaga ang nasa picture. At kung poser man ni Stefano si ZDA24, bakit hindi manlang siya tumanggi noong tinawag ko siya? Bakit sinabi niyang naaalala niya ako? Napailing na lamang ako at muling ipi-nagkumpara ang text format ni Stefano sa dating website kung saan kami nagkakilala bilang ZDA24 at sa mismong text message. Magkaiba talaga. . . Napakamot ako sa ulo at saka nahiga sa higaan ko. Habang nagbo-browse sa cellphone, hindi ko na namalayang itina-type ko na ang website ng dating site kung saan kami nagkakilala ni Stefano. Ini-log in ko ang account ko roon at pinuntahan ang inbox. Wala na talagang reply si Stefano roon kasi kunsabagay, bakit pa nga ba siya magre-reply dito kung nagkaka-text naman na kami? Still, I tried to send a chat to him. Ailith26: Hi, baka lang naman magreply ka rito. Naglagay pa ako ng smiley sa huling sentence ng chat ko para naman mas maging cute. Inaasahan kong hindi na siya magre-reply pa rito lalo na at iniisip kong hindi na niya binubuksan ang website dahil hindi na niya kailangan pang pumasok doon. Ngunit tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Pakiramdam ko'y nawalan ako ng dugo sa buong katawan nang dahil sa panlalamig. Dahil mabilis pa sa alas–kwatrong nag-reply siya. ZDA24: Hey! It's been a long time, how are you? It's been ang long time, e kanina lang ay nagkita pa kami? Anong sinasabi nito? Ailith26: Poser ka ano? Hindi ikaw si Stefano! ZDA24: Yup, I'm not Stefano. That's not my name. Ailith26: Hindi. Iyang nasa picture mo, hindi ikaw 'yan dahil nakita na kita a month ago pagkatapos kong sabihan ka na magkita tayo. Hindi mo na nga ako ni-reply-an 'di ba? And then all of a sudden, I met Stefano. Akala ko ikaw siya dahil hindi rin naman niya itinanggi. Matagal bago siya nagreply ulit. Napabangon ako bigla sa higaan dahil pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha. Kung kanina'y nanlalamig ako, ngayon nama'y nag-iinit ang pisngi ko dahil sa inis. Ibig bang sabihin nito, niloko rin ako ni Stefano? Bakit naman niya sinabing siya si ZDA24 kung hindi naman talaga siya iyon? Hindi ako mapakali habang hinihintay ang isasagot ni ZDA24. Naiiyak ako na ewan. Una dahil siya talaga ang gusto ko. Noong una pa lang ay napapansin ko nang magkaiba ang personalidad ni Stefano sa dating site at sa personal. Akala ko ganoon talaga dahil s'yempre kung minsan hindi naman maiiwasan iyon. Pero ngayong hinihintay ko na lang ang sagot ni ZDA24, napatunayan kong magkaiba pala talaga sila. Pangalawa, natatakot ako sa kung ano ang magiging reaksyon ni Stefano oras na itanong ko sa kaniya kung totoong nagsinungaling siya. Kasi ano nga naman ba ang dahilan niya kung bakit niya iyon ginawa? Bigla akong tinubuan ng takot. Natatakot akong baka pinaglalaruan niya lang ako. Mayamaya pa, kaagad na binuksan ko ang nag-pop up na message mula kay ZDA24. ZDA24 Oo, hindi talaga ako ang lalaking nasa picture. Pasensya na Ailith kung nagawa kitang lokohin tungkol sa totoong itsura ko at sa pagkatao ko. Pero ang lahat ng sinabi ko sa 'yo, even my feelings are real. I'm afraid I can't tell you my reasons here, can I call you? Can I have your number? Ilang minuto akong napatulala sa harap ng cellphone ko habang paulit-ulit na binabasa ang chat niya sa akin. Naglo-loading pa ang utak ko nang biglang mag-ring ang phone ko, tumatawag si Stefano! Nagtiim-bagang ako at walang habas na pinatay ang tawag. Pagkatapos no'n ay isinend ko kay ZDA24 ang numero ko. Wala pang ilang segundo ang lumipas nang ibinigay ko ang number ko, tumawag na kaagad siya. Kabadong-kabado ako, at nanginginig na pinindot ang answer button pagkatapos ay inilagay sa tenga ang phone. "H-hello?" Nanlalamig ang mga kamay ko, maging ang mga paa ko ay nanlalamig pero pinagpapawisan. Kinakabahan ako lalo na at ito ang unang pagkakataong maririnig ko ang boses niya. "Ailith, can I tell you my real name? But it's a secret." Napalunok ako nang marinig ang garalgal na boses niya, isang boses na para bang palagi kong naririnig. Para bang pamilyar na sa akin pero hindi ko lang maisip kung saan ko narinig. "Nasabi ko na sa 'yo noon ang totoo kong pangalan, ngayong nahuli na kita baka pwede namang huwag mo na akong lokohin?" sarkastikong sabi ko. Unti-unting bumalot sa sistema ko ang pait. Kung kanina ay halos hindi ako makapaniwala, ngayon rumehistro na sa akin ang lahat. Niloko ako! Ginago ako! At ang tanga-tanga ko! "The reason why I didn't reveal my real face on that dating website is because I am hiding my identity." "S'yempre ano pa ba? Ano pa bang ibang dahilan para lokohin mo ako? Hindi ba dahil gusto mong itago ang pagkatao mo?! Ano pa ba?!" Naghuhurumintado na ako, oo. "I'm sorry, Ailith. I'm really sorry. . ." Ramdam kong sincere ang pagkakasabi niya no'n lalo na at tila ba humaplos ang boses niya sa puso ko. At kahit galit na galit ako sa kaniya, tila nawalan iyon nang saysay sa isang sorry niya lang. "T-tapos, noong gusto ko pang makipagkita sa 'yo, bigla kang hindi na nagreply. Alam mo bang ang sakit-sakit no'n para sa akin? Alam mo bang para akong tangang umiyak dahil lang hindi ka na nagreply pa?" sumbat ko sa kaniya. "Ailith. . ." "Ang sama mo para lokohin ang isang walang kaalam-alam na tulad ko!" "Ailith, I'm Zareb Devin Aguilar!" putol niya sa mga sinasabi ko. Natigilan ako roon, imbes na papatulo na ang mga luha ko ay napigil pa dahil sa sinabi niya. "Shit, ano pa bang inaasahan ko? S'yempre magsisinungaling ka na naman!" Sino bang niloko niya, siya si Zareb Devin Aguilar na main rapper ng Sexy Seven? Nasisiraan na ba siya? Masyado na bang sira ang tuktok ng taong ito para magpanggap gamit ang inosenteng tao? "Ano ba kasing trip mo? Wala ka namang mapapala sa akin dahil hindi mo ako mahuhuthutan ng pera, wala ako no'n! Kaya ano bang dahilan kung bakit patuloy mo akong niloloko?" "Ako talaga si Zareb. If you don't believe me then let's meet." "At paano kung masamang tao ka pala? Paano kung hindi pala talaga ikaw si Zareb?" "Then bring your trusted friend, bring gun with you. O kahit kutsilyo na pwede mong magamit pang-depensa sa akin. I just want to be honest with you. I want you to believe me." Natigilan ako sa huling sinabi niya. Iyong huling sinabi niya ang naging dahilan para pumayag akong makipagkita. Dinala ko ang lahat ng pwede kong dalhin na pang-depensa pero hindi ko dinala ang kaibigan kong si Nora dahil ayaw kong makapahamak. And the moment I saw him with a black cap and facemask. Wearing a green camouflage jacket, a ripped jeans with pair of black sneakers, doon na ako natauhan. Because I'm doomed. He's really the famous rapper, Zareb Devin Aguilar of Sexy Seven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD