"Ahm.." Napakagat ako sa labi ko, Napabaling din ako ng tingin kay Blake na ngayon ay nakatingin din sa akin, "W—Wala po ito, Papa..." Ngumiti ako ng pilit sa Papa ko, Mabuti na lang at iniba na niya ang usapan. May itinanong si Papa kay Blake tungkol sa business. Hindi ko naman alam iyon kaya nanahimik na lamang ako. Hindi na rin kami nagtagal sa bahay nila Papa. Nagpaalam na rin kami nang mag-gagabi na. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan habang si Blake naman ang nagmamaneho. Tahimik at panay lamang ang pagbubuntong hininga niya. "Thank you.." Nagulat ako nang sabihin niya iyon. Hindi ko kasi inaasahan na magpapasalamat siya sa akin. "Hindi pa pala gumagaling iyang mga pasa mo.." Mahinang sabi niya habang nagmamaneho. Napahinga na lamang ako ng malalim, "Pagaling na rin naman siguro