Alas dos kasi ng madaling araw nang magpasya akong bumaba para kumuha ng maiinom na tubig. Hindi ko naman inaakala na maaabutan ko si Blake na nanunuod ng palabas sa telebisyon. Ang akala ko kasi ay umalis siya pero mabuti na lang din at narito siya sa bahay. "Saan ka pupunta?" Tanong niya nang mapansin niya ako. Tinuro ko ang kusina, "Iinom lang ako ng tubig." Sagot ko. Doon ko lang napansin na may hawak pala siyang bote ng alak. Umiinom na naman pala siya. "M-Matulog ka na sa taas, Bukas na ang flight mo di 'ba?" Mahinang tanong ko. Pinatay niya ang t.v at saka nagtungo sa kwarto naming dalawa habang ako naman ay uminom na muna ng tubig. Nilinis ko rin ang mga pinag-inuman ni Blake. Hindi rin naman ako nagtagtagal sa kusina. Umakyat na rin naman ako pagkatapos kong maglinis. Pagbuk