"Bakit walang pagkain?!"
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Blake. "Natulog ka lang magdamag dito?! Wala ka man lang ginawa?!"
Pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga pero hindi ko naman kaya. Masyado pa ring masama ang pakiramdaman ko.
Mabuti na nga lang at kanina ay nandito si Verna para matulungan ako, pinainom niya ako ng gamot at saka pinagpahinga na muna ako.
"Ano?! Hindi na ba talaga ako kakain?! Ganito na lang ba?!"
Muli kong pinilit na umupo mula sa pagkakahiga pero talagang hindi ko kaya, alam kong napansin na ni Blake 'yon, kaya lumapit na siya sa akin at namalayan ko na lang na i-chine-check niya ang leeg ko pati na rin ang noo ko.
"Nilalagnat ka?" Tanong niya sabay upo sa may gilid ko. Narinig ko rin ang pagngisi niya bago muling magsalita, "Nagkakasakit rin pala ang malanding tulad mo, ano?" Ngising sabi niya.
Hindi na ako naka-imik pa at hirap na napalunok. Muli ko na namang naramdaman ang pagtulo ng luha ko kaya agad kong pinunasan 'yon, gamit ang kamay ko.
Sa kakaiyak ko, hindi ko namalayang umlis na pala ang asawa ko. Hindi ko na naman alam kung saan siya pumunta.
Malaking abala talaga ang pagkakaroon ng sakit. Nakakinis! Hindi ko magawa ang gusto kong gawin! Gusto ko pa namang ipagluto si Blake ng masarap at paborito niyang ulam! Sayang lang dahil dinapuan ako ng pesteng lagnat na ito! Sana bukas ay mawala na ang lagnat ko.
Kalahating oras na ang nakalilipas nang umalis si Blake. Hindi konalam kung saan siya pumunta. Kukunin ko na sana ang cellphone ko sa gilid ko nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa don si Blake na may bitbit na cup.
"Humigop ka muna ng mainit na soup bago ka uminom ng gamot." Aniya sabay lapag ng isang paracetamol tablet sa tabi ko.
Gusto kong mapangiti nang makita kong hinipan niya ang soup at saka tinikman muna bago naman ipahigop sa akin, "Masarap ba?" Mahina ang boses niya ngunit sigurado ako sa narinig ko.
Tumango naman ako.
Ilang minuto pa kami sa ganoong sitwasyon. Siya ang may hawak sa cup habang matyaga akong pinapahigop ng mainit na soup.
Pagkatapos 'non, ay ibinaba niya sa bed side table ang cup na hawak niya at saka binuksan ang isang tableta ng paracetamol.
"Inumin mo muna 'to, bago ka matulog." Aniya.
Iniabot niya naman sa akin ang gamit pati na rin ang isang baso ng tubig. Pagkatapos ay kinuha na niya iyon.
"Magpagaling ka." Sabi niya at saka tumalikod na, Kahit nanghihina ako ay napangiti pa rin ako, "Baka kasi ako pa sisihin nila Papa kapag namatay ka."
Kusang nawala ang ngiti sa labi ko at saka ipinikit ang mata.
May pag-asa pa kayang magbago ang pananaw sa akin ni Blake? May pag-asa pa kayang pakinggan ako ni Blake sa paliwanag ko? May pag-asa pa kayang bumalik kami, katulad ng dati?
Mayamaya'y naramdaman ko na lumubog ang kabilang parte ng kama; Tanda na humiga na si Blake sa tabi ko.
Mariin kong ipinikit ang mata ko at pinilit na h'wag mapa-iyak. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang kamay ni Blake sa baywang ko.
Mukhang nakatulog na nga siya dahil malalim na ang paghinga niya.
May pag-asa pa tayo, Blake. Naniniwala ako na may pag-asa pa tayong dalawa.