Chapter 5

1127 Words
Mabuti na lang dahil nawala na ang sama ng pakiramdam ko nang magising ako. Pasado alas otso nang umaga ay naimulat ko na ang mata ko at hindi ko na naabutan pa sa tabi ko si Blake. Malamang ay pumasok na siya sa trabaho niya. Muli akong napabuntong hininga at tuluyan nang tumayo mula sa aking pagkakahiga. Mag-isa na naman ako. Tumungo ako sa kusina at laking gulat ko nang maabutan ko si Blake na mag-isang kumakain. Hindi pa siya naka-office attire, sa halip ay naka-pang-alis lang siya na damit. Saan siya pupunta? "Magbihis ka." Halos mamilog ang mata ko sa aking narinig. Hindi ko nga maigakaw ang mga kamay ko at pati na rin ang katawan ko. Yayayain niya ba akong mag-date? Oo nga pala! November 19 ngayon. Monthsary namin! Paano ko pa ba naman makakalimutan ang napaka-espesyal na araw na ito para sa akin? Ito na nga yata ang pinaka masaya sa lahat ng araw ko. "Tatayo ka nalang ba diyan?" Napabalik sa katinuan ang isip ko at agad na nagtungo sa banyo ng aming kwarto. Doon na rin ako nagsipilyo. Siguro ay mahigit kalahating oras ako na nasa banyo, kaya nang matapos ako ay naabutan ko si Blake na nasa harapan ng salamin at inaayos ang buhok niya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mamangha sa kapogiang taglay ng asawa ko. Nang mapansin naman ako ni Blake ay agad siyang umalis sa harapan ng salamin at saka lumabas na ng kwarto. Sanay na ako. Sanay na sanay na ako sa sitwasyon naming dalawa ni Blake. Ganito naman kasi lagi ang tagpo naming dalawa. Lagi niya akong hindi iniimik. Kung kakausapin man eh, minsan lang at halos bilang lang sa daliri ko ang mga salitang binibitiwan niya sa akin. Madalas, tuwing gabi ay naalimpungatan ako dahil naririnig ko ang boses niya sa may veranda ng kwarto. May kausap siya sa cellphone niya at batid ko na babae niya iyon, paano'y sobrang sweet ng boses niya at panay ang panlalambing ng tinig niya. Kadalasan din ay umuuwi ng gabi ang asawa ko. Madalas ay umuuwi siya kapag malapit nang mag-umaga. Lasing din siya sa tuwing umuuwi siya at kapag minsan pa ay nagwawala pa siya at ako ang pinagbubuntungan ng galit niya. Mabuti na nga lang at nitong mga nakaraang araw ay hindi umuwi ng lasing ang asawa ko. Naabutan ko si Blake na nanunuod ng NBA sa living room, pero nang makita niya ako ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo at saka pinatay na 'rin ang t.v. Papasakay na kami ng sasakyan nang makita ko ang suot-supt na singsing sa daliri ni Blake. Mabilis na nanlaki ang mata ko at halos mapa-awang din ang labi ko. Mabibilang lang yata sa kamay ko ang beses na isinuot niya ang wedding ring naming dalawa. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang iminamaneho niya ang sasakyan, "What's with that smile?" Mabilis kong ipinukaw ang aking paningin sa labas ng sasakyan. "Pupunta tayo Kila Papa." Tila ba ako nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Pupunta kami kila Papa? Ibig bang sabihin ay hindi kami magde-date? Para tuloy akong nawalan ng gana. Akala ko naman ay pupunta man lang kaming Mall para mai-celebrate naming dalawa ang montsary namin. Hindi ko namalayan na nasa may Ayala alabang na kami at nasa tapat na nga kami ng bahay nila Mama at Papa. Pababa na sana ako ng sasakyan nang mabilis na hawakan ni Blake ang braso ko. Nang tignan ko siya ay seryoso lang ang mga mata niyang nakatutok sa akin. Bumaba na kami ni Blake at nang maka-salubong namin ang aming kasambahay ay agad niila kaming binati. "Maganda Umaga po, Ma'am at Sir." Impit akong napangiti hanggang sa makapasok kami sa loob. Naabutan ko sila Mama at Papa na nag-uusap sa living room. Maglalakad na sana ako palapit sa kanila nang maramdaman ko ang kamay ni Blake sa balikat ko. Mariin akong napalunok at tinignan ang kanyang mukha. Nakangiti siya ngayon nantila ba walang galit na nararamdaman sa akin. "Cassie! Blake! Maupo muna kayo." Sabi sa akin ni Mama nang magmano ako sa kanya. Nagmano rin ako kay Papa at ganun din ang ginawa ni Blake sa kanya. "Kamusta na, Anak?" Tanong sa akin ni Papa. Muli akong napalunok at saglit na napatingin sa asawa ko. Nanginig ang labi ko nang ngitian niya ako. "Pa, Ayos lang po kami." Muli kong ibinaling ang paningin ko kay Blake, pero nananatili lamang siyang nakangiti habang hawak-hawak ang kamay ko. "Siya nga pala," Ani Papa kaya sabay kaming napatingin ni Blake sa kanya, "Kailan n'yo ba balak magka-anak? Matagal na 'rin kasi namin na hinihintay ni Marivic ang magiging apo namin." Sabi pa ni Papa sabay baling ng tingin sa akin. "Sabi kasi sa akin ni Blake ay nakunan ka 'raw noong ilang buwan na ang nakalilipas." Mabilis na namilog ang mata ko sa aking narinig. Napalunok ako at saka napatingin sa asawa ko, "Uh, Pa. Sabi kasi ng OB ng asawa ko ay mahina 'raw ang kapit ng anak namin," Gulat na gulat ako sa aking mga naririnig. Hindi ko lubos maisip na pagtatakpan pala ni Blake ang mga kasalanan ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Papa, "Eh 'di i-try n'yo ulit." Sabi niya sabay halakhak. Sa buong oras na iyon ay puro kaba lang ang ang nararamdaman ko. Mabuti na lang at nang matapos ang makalipas labing limang minuto ay pinagpahinga na muna kami nina Papa sa dati kong kwarto. Nang makapasok kami ni Blake sa kwarto ay agad niyang binitawan ang kamay ko at mariing hinawakan ang pisngi ko. "Maswerte ka at pinagtatakpan kita." Mariin niyang sabi sa akin. Napatikom na lamang ako at pinilit na huwag maiyak. "Putang ina, iiyak ka na naman, huh?!" Sabi niya sabay hapit sa braso ko palapit sa kanya. "H'wag kang mag-paawa sa akin. Hindi mo ako madadala sa ganyan." Napatungo ako at saka pinagdikit ang dalawang kamay ko. "B—Blake, pasensya——" "Pasensya? Naririnig mo ba yang sinasabi mo?!" Mahinang sabi niya habang nagtitimpi ng galit sa akin, "Matapos mo akong lokohin... Matapos mong magpabuntis sa tropa ko pasenya?! Tang ina, Cassie." Napapikit ako at hinayaang lumabas na lang ang luha ko. "Total, malandi ka naman." Napamulat ang aking mata nang ipasok niya ang kamay niya sa damit ko, "Bakit hindi mo sa akin ipakita ang kalandian mo?" Muling nagpa-unahang lumabas ang mga luha ko. Panay ang pag-iyak ko tuloy-tuloy pa rin si Blake sa paghalik sa katawan ko hanggang sa mahubad na niya ang lahat ng saplot ko. Magkakaroon pa kaya ng pag-asa para sa aming dalawa? Naghahangad ako para doon. Kayo, ano sa tingin n'yo? Ako sa tingin ko, malalagot ako kay Mama at Papa kapag nalaman nila ang mga kalokohang pinagsususulat ko dito sa w*****d! HahahahaHahahah hayo nako Niño
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD