Chapter 6

736 Words
Tatlong araw na ang nakalilipas no'ng bumisita kami sa bahay nila Papa. Kasalukuyan akong naglalaba ng mga damit namin ni Blake sa may bandang likuran ng bahay. Ngayon ay araw ng sabado at walang pasok sa trabaho ngayon si Blake. Kanina ay mas maaga siyang nagising kaysa akin kaya nang bumaba ako mula sa kwarto ay naabutan ko siyang nanunuod ng NBA sa telebisyon. Matapos ang ilan pang mga oras ay natapos ko na ang mga labahin ko. Sobra naman kasi sa dami ang mga damit ni Blake dahil halos araw-araw naman siyang umaalis. 'Yung iba pang mga damit niya ay may ilan pang mga kiss marks kaya masakit para sa akin habang nilalabhan ang lahat ng iyon. Habang isinasampay ko ang ilan sa mga damit ay hindi maiwasang bumalik sa alaala ko ang nakaraan. "Ako nang bahala dito. Magpahinga ka na muna doon.." Ani Blake habang sinasampay ang ilan sa mga damit. Pagak naman akong napangiti. Kanina pa kasi ako naglalaba pero panay ang paglalambing sa akin ni Blake. Gusto niya raw kasi na matulungan ako sa paglalaba. "Bahala ka na nga!" Nangingiting sabi ko sa kanya. Pinanuod ko lamang siya habang isinasampay ang mga labahin, ang gwapo naman ng asawa ko! "Oh! Baka matunaw na ako niyan!" Natatawang sabi niya sabay baling ng tingin sa akin. Wala ako sa sariling napasimangot, "Hindi kita tinititigan noh!" "Sus! Hindi daw..." "Hindi nga! Blake naman eh!" Naiinis na sabi ko. Tumawa lamang siya habang nagsasampay ng mga damit. "Oo nga pala, Birthday ni Lucas mamaya. Tropa ko 'yun! Sasama kita ah?" Tanong niya nang matapos siyang magsampay. Lumapit siya sa akin at umupo sa may tabi ko, "Okay, pero iinom ka ba mamaya?" "Yup," Aniya sabay mabilis na idinampi ang labi sa pisngi ko. "H'wag ka maglalasing ng sobra mamaya ah!" Sabi ko sabay pisil sa matangos na ilong niya. "I wont, Misis." "Hindi ka pa ba tapos diyan?!" Napamulagat ako sa sobrang pagkagulat nang marinig ko si Blake sa may bandnag likuran ko. Nang lingunin ko siya ay seryoso lamang ang kanyang mukha. "Ah eto na, patapos na ako." Sabi ko habang isinampay ang huling natitirang damit na hawak ko. Matapos 'yon ay nagtungo na ako sa kusina upang magluto naman, Mayroon akong mga sangkap para sa paboritong sinigang o adobo na paborito rin naman ni Blake. Hindi ko naman pwedeng lutuin parehas ang dalawa kaya, lumapit na ako sa kanya at saka siya tinanong. "Ano nga pala ang gusto mo? Adobo o sinigang? Mayroon kasing—" "Adobo." Napasinghap ako nang mabilis niya akong sinagot, "Sige." Matapos ang mahigit kalahating oras ay sa waka, tapos na rin ang lutuin ko. Nakapag-saing na rin ako na para sa aming dalawa at naihanda ko na rin ang mga plato at pati mga kutsara sa mesa. Tatawagin ko na sana si Blake para sabay na kaming kumain pero kusa na siyang lumitaw sa paningin ko, Siguro'y naamoy niya na rin ang niluto kong adobo kaya lumapit na siya sa kinaroroonan ko. Minsan na lamang mangyari sa amin na kumain kaming sabay na dalawa. Lagi kasi siyang busy o di kaya naman ay may pinupuntahan o sa opisina na lang siya kumakain. Para sa akin, ang oras na ito ay hindi ko na dapat sayangin. Minsan lang kasi mangyari ito kaya humahanap ako ng tamang tiyempo para maka-usap ko lang siya. "Ah—Hindi ka ba aalis ngayon?" Napalunok ako nang balingan niya ako ng tingin, "Pupuntahan ko si Arianne, 'yung girlfriend ko." Tila ba sa isang iglap ay kusang huminyo ang nasa paligid ko. Para bang tinamaan ng kung anong matigas na bagay ang ulo ko kaya hindi agad nag-sink in sa akin ang mga sinabi niya. "Monthsary kasi namin ngayon." Sa puntong ito ay damang-dama ko na ang natural na sakit. Para bang pinapako ng paunti-unti ang puso ko hanggang sa ito ay bumigay at mawalan ng buhay. Hindi ko na 'rin maiwasang hindi mapa-iyak, "B—Blake, Parang awa mo na...." Hindi ko na naituloy-tuloy pa ang sasabihin ko dahil panay ang pagbuhos ng luha ko na tila nawawalan na sa tamang kontrol. "A—Ano pa ba ang gusto mong gawin ko, para mapatawad mo na ako.." Nagulat ako nang biglang tumayo si Blake at marahas na ibinagsak ang hawak niyang kuysra kaya tumilapon 'yon sa sahig. "Gusto kong gawin mo ha?!" Singhal niya sabay hila sa braso ko, "Ang masaktan ka hanggang sa unti-unti kang mamatay sa sakit!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD