CHAPTER 3

1219 Words
THREE: "Proteksyon." “Lately andami ko nang red flags na nakita, but I chose to disregard those things! Bulag-bulagan, martyr-martyr-an ang peg ko, sis! Mahal ko ‘yung tao, eh! Pero heto at nagawa pa rin akong ipagpalit ng ganoon kadali! Napakag*go talaga niya! Dakilang babaero, hindi naman kagwapuhan!” Hindi alam ni Louisa ang sasabihin, tinatapik na lamang ang balikat ni Mindy para i-comfort at patahanin ito sa pag-iiiyak. Kung sesermonan niya’y baka mas lalo lang ngangawa. Matagal na, actually, niyang sinasabi rito na nakikita minsan niya ang lalaking ‘yon na may idini-date na iba, ayaw lamang makinig at maniwala nito. Katulad nga ng sinabi’y bulag-bulagan at martyr-an ang ginawa nito. Siguro ngayon hindi na natiis at tuluyang nakipag-split sa relasyong wala naman talagang papupuntahan. “Buti ka pa, Louisa! Napakasuwerte mo sa jowa mo! Mabait, gwapo at matino pa! Matagal na rin kayong dalawa. And now, you’re finally engaged! Sana all na lang ako nito! Hooooo! L*nteks! Sana all talaga!” Parang baliw na humiyaw ito sabay taas ng baso ng alak sa ere at pagkatapos ay inisang tungga ‘yon. She couldn’t do or say anything but drink a glass with her. Tama si Mindy. Ang laki ng pasasalamat niya, sa totoo lang, dahil hindi niya kailangang danasin kay Haris ang ganito kasakit na pinagdaraanan ngayon ng kanyang best friend sa manloloko at babaerong naging jowa. Haris has always been sensitive about how Louisa feels. Ayaw nitong nasasaktan siya, at kung mapapaiyak man siya’y dahil ‘yon sa iyak ng kaligayahan. Kapag may tampuhan sila o may hindi pagkakaunawaan, he never lets a day pass na hindi nila naaayos ang bagay na ‘yon. Ganoon siya kamahal at pinahahalagahan ng lalaki, kung kaya nga araw-araw ay mas lalo pa siyang nahuhulog at napapamahal sa nobyo. Hindi niya alam ang tamang sasabihin kay Mindy kasi hindi naman siya maka-relate at never niyang napagdaanan kay Haris ang ma-brokenheart at maloko, kaya heto, the least thing that she could do is be with her and make her feel na nandito lang siya at handang makinig dito. Sa muli ay nag-breakdown at parang batang ngumawa sa kaiiyak si Mindy dahil sa sakit at dahil na rin sa kalasingan. “Ang g*go niya! Isa siyang malaking bullsh*t! At ako naman itong si tatanga-tanga at nagpagoyo sa tulad niya! Urgh!” Louisa hugged Mindy habang humahagulgol pa rin ang bruha. She sighed and continued to comfort her by gently tapping her back. When they released, Louisa checked on her phone para tingnan lang sana kung anong oras na pero nakita niyang may twelve missed calls mula kay Haris at may sunod-sunod pang text messages. Halos mapamura siya, hindi kasi niya napansin at naka-silent ang phone niya. It was her nature turning her phone silent lalo na kapag nakakasama niya ang nobyo dahil ayaw niya ng anumang abala sa date and bonding moments nilang dalawa. Hindi nga pala niya na-set back into normal mode kanina nang nagpaalam na sila sa isa’t-isa para sa kanya-kanya namang mga lakad na pinuntahan. She read his text messages. Sunod-sunod. Haris: Where are you? Answer the phone, please! Haris: Please answer the phone, Louisa! I need you badly right now! Please! Haris: Louisa, please! Haris: May nangyaring hindi maganda! Wala na si Nikki, Louisa! Wala na ang kapatid ko! Awtomatikong napatayo ang dalaga sa nabasang mensahe. Si Nikki! “What’s wrong, sis?” agaran namang tanong ni Mindy habang nakatingala sa kanya. “Si… si Nikki… May nangyaring masama. Wala na raw ang kapatid ni Haris.” “What?!” kahit na lasing ito’y nagulantang din ito sa napakasamang balita. “Ayos lang ba sa ‘yo kung mauuna na ako at maiiwan na muna kita rito, Mindy? Kailangan ako ni Haris ngayon.” Nakakaintinding tumango ang kaibigan niya. “Sure, kaya ko ang sarili ko. Huwag mo na akong alalahanin. Puntahan mo na agad si Haris, Louisa.” “Salamat, Mindy.” Pagkalabas ng bar, agarang nagpara si Louisa ng mga dumaraang sasakyan pero walang taxi’ng tumitigil sa tapat niya para magpasakay. Tinatawagan din niya si Haris pero hindi pa sumasagot. Pangatlong attempt niya ng pagtawag sana ulit sa nobyo ay tumatawag din ang kapatid niyang si Maui. “Hello, Maui? Nabalitaan mo na rin ba ang nangyari kay Nikki*” Natigil siya sa pagsasalita nang marinig ang sunod-sunod na hagulgol nito mula sa kabilang linya. “Ate, tulungan mo ako! Ate, ayokong makulong! Natatakot ako, ate! Tulungan mo ako! Ayokong makulong! Ayoko!” Naguluhan ang utak niya’t nadagdagan pang lalo ang mga iniisip niya. “Teka, a-ano bang sinasabi mo, Maui? Anong makukulong? Bakit ka naman makukulong?” Sa muli ay kabadong-kabado at nanginginig itong humahagulgol. “Ate! Nakapatay ako ng tao, ate!” Nuon tuluyang nabitawan ni Louisa ang cellphone niya sa sobrang pagkagulantang. Imbes na puntahan si Haris dahil kailangan siya ng nobyo para damayan ito at may masasandalan ito habang nagluluksa sa pagkawala ng nag-iisang kapatid ay mas pinili niyang puntahan ang kapatid niyang kailangang-kailangan din ng tulong niya. Pagkarating sa bahay nila, dumiretso kaagad siya sa kuwarto ni Maui at pagkabukas ng pinto nito, halos manlamig siya sa naabutang ayos at itsura ng kapatid. Nakaupo ito sa sahig at nakasandal sa malamig na dingding ng kuwarto. Umiiyak, nanginginig at maraming dugo sa damit at balat nito. Niyukod niya ang kapatid at mariing tinitigan ito. Bakas sa buong mukha nito ang takot. “Maui, anong ginawa mo?” Hindi ito sumagot. Tila wala pa rin sa sarili, nakatulala lamang sa malayo habang nanginginig ang buong katawan. Mariing hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. “Anong ginawa mo, Maui?!” Nang salubungin nito ang kanyang mga mata’y muli itong humagulgol. “Napatay ko siya, ate! Napatay ko si Nikki!” Hindi makapaniwalang nanghihina siya’t nabitawan niya ang kapatid. “Lumabas ako saglit kasi sabi ko bibili lang ako ng snacks sa convenience store para may mapapak ako habang nagre-review ako ng notes para sa exams namin bukas. Dala ko ‘yung sasakyan natin, ate! Tamang-tamang papauwi na ako, namataan ko si Nikki. Nag-iisa siyang naglalakad. Nagdilim bigla ang paningin ko at parang nawala ako sa sarili ko, sinagasaan ko siya! Sinagasaan ko siya, ate Louisa!” Tuluyan na rin siyang naiyak sa pinaghalong galit at takot. “Bakit mo ginawa ‘yon?! Bakit, Maui?!” “Hindi ko naman sana intensyong patayin siya. Tuturuan ko lang sana siya ng leksyon at gaganti ako sa ginawa niya kasi alam mo ba? Kanina sa school at habang nagpa-practice kami sa cheerleading team, gumawa siya ng paraan para hindi ako masalo ng mga kasama namin sa kalagitnaan ng practice namin ng pagsasayaw kaya nahulog ako, ate! Hindi lang likod ko ‘yung masakit na tumama sa semento kundi pahiyang-pahiya rin ako sa mga kasama namin at sa mga nakakita ng practice namin sa gym! Pinahiya niya ako, ate! Pinagtawanan ako ng mga schoolmates namin! Naging katawa-tawa ako dahil sa ginawa niya at pahiyang-pahiya ako!” “Pero hindi mo pa rin siya dapat pinatay, Maui!” sigaw niya rito. “Alam ko, ate! Alam ko!” Umiyak ito nang umiyak. “Ano nang gagawin natin ngayon? Paniguradong magsasampa ng kaso sina kuya Haris. Paniguradong makukulong ako!” Mahigpit na hinawakan siya nito sa braso. “Tulungan mo ako, ate! Tulungan mo ako! Ayokong makulong!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD