FOUR: "Shattered heart."
Lalo pa silang parehong tila na-praning at nag-panic sa sobrang takot nang marinig ang ugong ng paparating na sasakyan ng mga pulis.
“Ang mga pulis! Nandiyan na sila! Dadamputin na nila ako! Ayokong makulong! Tulungan mo ako, ate Louisa! Please!”
Niyakap niya ng napakahigpit ang kapatid kahit pa duguan ito sa nagawang krimen. Hindi niya ito pababayaan. Hinding-hindi niya pababayaan si Maui!
Pagkatapos ng yakap nila’y mahigpit na hinawakan niya ang mukha nito. “Bumaba ka ba ng sasakyan pagkatapos mo siyang masagasaan? May mga nakakita bang ikaw ang nakapatay sa kanya?”
Tila nag-isip ito at pilit na ibinabalik sa alaala ang mga nangyari. “Bumaba ako para tingnan siya’t dadalhin ko sana siya sa hospital, hinawakan ko siya’t isasakay sana sa kotse pero hindi ko siya kaya at nahihilo ako sa nakikita kong naliligo siya sa sariling dugo niya! Kaya pinabayaan ko siya’t umalis kaagad ako.”
Tumango-tango siya. “Alright. Now, answer my other question. May nakakita ba sa ‘yo*** ginawa mo? May nakakita bang ikaw ang nakasagasa kay Nikki?”
Sunud-sunod ang naging paglunok nito at tila masisiraan na ito ng bait. “Hindi ko alam! Hindi ko alam!” Umiyak ito habang sinasabunutan ang sarili. “Hindi ko alam! Ayokong makulong, ate! Ayokong makulong! Natatakot ako! Tulungan mo ako, ate!”
Determinado at siguradong umiling siya rito. “Hindi ka makukulong! Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon! Hindi ka pababayaan ni ate! Nandito lang ako, Maui, at poprotektahan kita!”
Sa muli ay napayakap ito ng napakahigpit sa kanya. Tinugon niya iyon. Mahal na mahal niya ang kapatid at isusuko niya lahat sa ngalan ng pamilya!
Nang muli silang kumalas sa yakap, takot na takot pa rin itong nakakapit sa kanyang mga palapulsuhan. Puno ng pagmamahal at proteksyon ng isang nakatatandang kapatid na hinaplos niya ang mukha nitong duguan at pagkatapos ay minantsahan din ang kanyang mukha ng dugo. Nanlaki ang mga mata ng kapatid niya sa ginawa niya.
“Anong ginagawa mo, ate?”
“Poprotektahan kita, Maui.” Tuloy-tuloy sa paglandas ang kanyang mga luha. “Kahit na mali ka at walang kapatawaran ang ginawa mo, poprotektahan pa rin kita!”
Narinig nila ang pagtigil ng patrol car sa mismong tapat ng kanilang bahay. Kailangan na nilang mas magmadali pa!
Pinahubad niya ang coat na suot ni Maui na may mga dugo rin ng napatay nito at siya ang nagsuot nu’n, tapos ay muli niyang hinawakan sa magkabilang balikat ang kapatid.
“Makinig kang mabuti sa akin. Pumunta ka sa CR mo at maligo ka. Huwag na huwag kang lalabas habang hindi nakakaalis ang mga pulis. Ako ang haharap sa kanila. Ituring mong masamang panaginip lang ang mga nangyari sa gabing ‘to at kalimutan mo lahat. Matulog ka nang maaga at galingan mo sa exams ninyo bukas, okay?”
Sunod-sunod ang pagtango nito. “Oo. Oo, ate!”
Nang mga sandali ring iyon ay nakapasok na ang mga pulis sa nakabukas na gate ng bahay nina Louisa. Kunot ang noong napatingin ang mga ito sa sasakyang nasa garahe na may mga dugo ang windshield.
Kumatok ang mga ito sa main door at ang nagbukas ay ang ina ng tahanan.
“Magandang gabi, ano hong kailangan nila?”
“May search warrant kami para sa paghahanap ng matibay na ebedensya at matukoy ang pumatay kay Miss Nikki Legazpi.”
Nagulantang ang ginang. “Ano?! Si Nikki?! Patay na si Nikki?!”
Kauuwi lang din kasi nito galing sa trabaho sa mina-manage nitong resort business ng pamilya nila kaya wala itong kamalay-malay sa mga nangyari.
“Oo, at may mga nakakita na ang sasakyan ninyo ang ginamit para sagasaan ang biktima.”
Hindi ito makapaniwala at nang tiningnan ang sasakyan sa garahe ay nagulantang ito sa nagkalat na dugo sa windshield. “Oh my god!”
“Sino ang kasama mo dito sa bahay? At sino ang huling gumamit ng sasakyan ninyo ngayong gabi?”
“Ako ang gumamit at nagmaneho ng sasakyan.”
Napatingin silang lahat sa nagsalita. Si Louisa!
“A-anong… Louisa, ba-bakit ganyan ang itsura mo? Anong nangyari sa ‘yo? Ba-bakit duguan ka at ang damit mo?” nanginginig na tanong ng nanay ng dalaga.
‘Ni hindi niya magawang tingnan man lang sa mga mata ang ina. Hiyang-hiya siya at nasasaktan siyang napapahiya at nasasaktan niya itong nakikita siyang ganito. I’m sorry, ma…
Dumiretso siya sa harap ng mga pulis.
“Bakit ganyan ang itsura mo, Miss? Ikaw ba ang pumatay sa biktimang si Nikki Legazpi ngayong gabi?”
Hindi siya nagsalita. Nanatili siyang tahimik at mariing nakatingin sa malayo.
Huwag kang mag-alala, Maui. Poprotektahan kita. Sisiguraduhin kong hindi kailanman madadawit ang pangalan mo sa kasong ito.
“May kasama ka ba?” tanong ng isa pa sa mga nag-i-imbestiga sabay tumingala para tumingin sa nakabukas ang mga ilaw na magkakasunod na kuwarto nila ng kapatid. “Sino pang kasama ninyo dito sa bahay?”
Bago pa man makahakbang ang kahit na isa sa mga awtoridad papasok ay iniharang na ni Louisa ang sarili.
“Sasama ako nang matiwasay sa inyo at sasabihin ko ang lahat ng mga nangyari pero nakikiusap akong huwag na kayong manggulo o gumawa ng anumang ingay. Mahimbing nang natutulog ang kapatid ko at may exams pa siya sa eskuwelahan nila bukas, isa pa’y ayoko ring makita pa niya ang ate niya sa ganitong ayos at itsura.”
Sa huli, sumama nga siya kahit pa iyak nang iyak ang kanyang ina at gulong-gulo sa mga nangyayari.
Nang nasa presinto na para sa paunang imbestigasyon, naghihintay na lang si Louisa na kuhanin ang statement niya sa nangyari pero mukhang abala pa sa ibang kanya-kanyang ginagawa ang mga awtoridad kaya tahimik na naupo siya sa isa sa mga mahahabang desks at naghintay na may lumapit sa kanya.
Ganoon na lamang ang panlulumo niya nang dumating ang humahangos at hinahapo pang si Haris. Natigilan ito nang makita siya at hindi halos makapaniwala sa nakikitang itsura niya.
Madaling umupo ito sa katapat niyang silya habang hindi inaalis ang mga matang titig na titig sa kanya. ‘Ni hindi na niya ito matingnan sa mga mata nito.
I’m sorry, Haris… I’m really sorry…
Ang buong akala niya’y magagalit ito at gugulpihin siya sa sobrang pagkamuhi nito kaya ganoon na lang ang panlalambot ng puso niya nang mahigpit na hinawakan nito ang mga kamay niyang nasa mesa. Napatingin siya rito.
“Hindi naman ikaw, ‘di ba? Hindi ako naniniwalang ikaw ang pumatay sa kapatid ko. I’m sure misunderstanding lang lahat ng ‘to. Sabihin mong hindi ikaw, Louisa. Sabihin mong hindi ikaw ang pumatay kay Nikki at maniniwala ako sa ‘yo.”
Pakiramdam niya’y dinudurog ng pinung-pino ang kanyang dibdib. Alam niya kung gaano ka-close ang magkapatid. Ganoon din kasi sila ni Maui sa isa’t-isa. Mahal na mahal ni Haris ang kapatid at baby girl nito si Nikki pero kapatid mismo niya ang naging dahilan kung kaya’t nawala ang nag-iisang kapatid ng nobyo… at ngayon ay pinipili pa rin ni Haris na paniwalaan siya sa kabila ng nakikita nitong malakas na ebedensya laban sa kanya. Ibig sabihin ay mahal na mahal siya ni Haris, at sobrang sakit na kailangang umabot sa puntong tatalikuran niya ang pagmamahal na ‘yon para proteksyunan si Maui.
Louisa coldly looked away. Binawi at inilayo niya ang kamay mula sa pagkakahawak ng nobyo. Hindi makapaniwala at parang pira-pirasong napupunit ito sa sobrang sakit ng loob na nararamdaman habang tinititigan pa rin siya.
“HINDI talaga kami close ni Nikki. From the very start, alam ko namang ayaw talaga niya sa akin para sa kuya Haris niya, and the fact na tight competitors din sila ng kapatid ko sa lahat ng bagay sa school. Ilang beses akong kinompronta ni Nikki at tahasan niyang sinasabi na ayaw niya sa akin para sa kuya niya, and surely mafa-fall out of love din daw ang kuya niya sa akin kapag nakahanap ng mas better at mas karapat-dapat na babae kaya nga alam kong kahit magkarelasyon kami ni Haris, pilit pa rin niyang ipinapa-date sa iba at sa kung sinu-sino ang kuya niya kahit na tahasang sabihin sa kanya ng kapatid niya na ako lang ang gusto at mahal nito at hindi ito kailanman magkakainteres sa iba. That’s how Nikki Legazpi despised me and hated me to core,” sunod-sunod na salaysay ni Louisa habang nasa korte sila at siya ang nasasakdal.
Partly, totoo naman iyon. She and Nikki were never close. Never even friends. Kahit na pilit niyang inilalapit ang sarili at kinukuha ang loob ng kapatid ng nobyo, kahit kailan ay hindi siya nagawang magustuhan man lang ni Nikki. Siguro dahil nga’y ate siya ni Maui na mortal na kaaway nito. Alam din niya ang tungkol sa paglalakad nito sa kuya nito sa ibang babae, naging tapat kasi si Haris sa kanya tungkol sa bagay na ‘yon, and he assured her na kahit ilang babae at kahit sino pa ang ilakad ng kapatid, hinding-hindi nito magagawang magkagusto sa iba dahil siya lamang talaga ang mahal ng binata, kaya nga hindi na niya masyadong dinibdib ang ginagawang ‘yon ni Nikki, pinagpapasensyahan at iniintindi na lamang niya, alang-alang kay Haris at sa pagmamahal sa nobyo.
Nagpatuloy si Louisa. “Ilang beses din niya akong nagawang ipahiya sa ibang tao. Hindi lang ako kundi pati rin ang kapatid kong si Maui**** napakabait kong kapatid na wala namang ginagawa sa kanya at hindi kasalanan ni Maui na naturally mas magaling at mas matalino lang talaga sa klase kaysa sa kanya.” Tiningnan niya isa-isa ang mga pinakamamahal sa buhay ni Nikki.
Ang mga magulang nitong dati ay punong-puno ng pagmamahal at suporta sa kanya at para na ring anak ang turing sa kanya nang magkarelasyon sila ni Haris, ngayon ay tila gusto siyang patayin din sa sama ng mga tingin sa kanya. Ang mga mata pa lang ng mga ito’y tila gustong-gusto na siyang ihatid at itulak sa impyerno, at hindi niya masisisi ang mga ito sa sobrang galit at pagkamuhing nararamdaman. Ang sunod ay si Haris na sa pagod na mga mata’y bakas ang pagiging miserable nito sa pinaghalong galit at sakit.
She continued, asking Nikki's family this time. “Were you even aware na minsan akong kinulong ni Nikki sa CR sa isang mall dahil nakita at bigla akong napag-initan ng brat na ‘yon? Hindi lang ‘yon, hindi pa siya nakuntento at sinampal niya ako sa harap ng maraming tao kaya pahiyang-pahiya ako. She even tried to push me on the escalator, at kung hindi lang siguro ako naging maingat, nahulog at nagpagulong-gulong sana ako.”
Totoo ang lahat ng ‘yon. Sukdulan talaga ang kamalditahan ni Nikki pero hindi na niya sinabi pa o binanggit man lang kay Haris dahil ayaw na niyang magkagulo at mag-away pa ang magkapatid oras na nalaman ‘yon ng binata nang mga panahong ‘yon.
“Edi sana sinabi mo sa amin at nang napagsabihan at nadisiplina namin siya! Hindi itong pinatay mo na lang siya basta!” ang galit at masakit na sigaw sa kanya ng nagwawalang ina nina Nikki at Haris.
Hindi nakasagot si Louisa doon. Handa siyang tanggapin lahat ng masasakit na salita mula sa mga taong minsan ay tinuring din talaga siyang parang parte ng pamilya ng mga ito.
Pinagpatuloy siya ng hukom sa kanyang salaysay.
“Marami pang nagawa, actually, si Nikki na sobrang tinatapak-tapakan at pinahihiya ako pero lahat ‘yon ay pinalampas ko’t hindi ko na binanggit pa kay Haris kasi ayoko na nang gulo at ayoko ring mag-away silang magkapatid. Alang-alang sa pagmamahal ko sa kuya niya’y nagawa kong tiisin ang napakabasura niyang ugali.”
“I can’t believe you have been so unfair,” mariing salita ni Haris. “Kung sinabi mo lang sana sa akin ang lahat at nalaman ko nang mas maaga!”
“Bakit? Anong gagawin mo? Ano sa tingin mo ang magagawa mo?” matapang niyang sagot sa lalaki habang nakikipaglaban ng mata sa mata. “Pagagalitan at pagsasabihan mo siya, at sa tingin mo’y madadala mo pa ang brat mong kapatid? Tingin mo’y isang salita mo lang at hindi na niya magagawang ulit-ulitin ang mga kawalang-hiyaan sa akin at sa kapatid ko kapag nakatalikod ka? Tanggapin mo na lang, Haris. Mahaba talaga ang sungay at demonyita ang kapatid mo!”
“Ikaw ang demonyita! Mamamatay tao ka!” ang ama naman ng magkapatid na Legazpi ang sumabat. “Itinuring kitang parang pangalawa kong anak pero ito pa! Ito pa ang igaganti mo! Pinatay mo ang nag-iisang babaeng anak ko!”
Muli siyang natahimik at hindi nakasagot. Kung kailangan niyang tanggapin at pagdusahan kahit na habambuhay pa ang galit ng mga taong malalapit sa kanya’y gagawin niya, alang-alang sa nag-iisang kapatid niyang si Maui...
Kahit ang ina ni Louisa sa upuan nito’y hindi niya magawang matingnan man lamang. Tila nilulukumos ang kanyang dibdib sa nakikitang sakit sa mga mata nito habang pinanunod ang pagkakasakdal niya.
Si Maui’y ininstruksyunan na niyang huwag na huwag pupunta ng hearing sa korte kasi mahirap na. Si Mindy na best friend niya at alam ang totoo dahil ito ang nakasama niya nang gabing mangyari ang krimen ay paulit-ulit niyang halos luhuran para pakiusapang huwag na huwag magsasalita kahit pa paulit-ulit din itong umiyak at magalit at pagsabihan siyang napakamaling-mali ng ginagawa niyang pagsasalo sa kasalanang nagawa ng kapatid niya. Ngunit nangingibabaw pa rin ang pagiging best friend at pagmamahal ni Mindy sa kanya kaya kahit alam nito ang buong katotohanan, nanatili itong tahimik kagaya ng pakiusap niya’t hindi ito nakialam. Hindi na rin niya pinapunta dito sa hukuman kasi alam niyang masasaktan lang si Mindy habang pinanunuod ang best friend nitong nasasakdal sa kasalanang hindi naman talaga niya nagawa. Manahimik lamang talaga si Mindy, that’s the least thing she could do for Louisa, at labis-labis nang ipagpapasalamat ng huli iyon.
“Nang pagkauwi ko at nalaman ko mula sa kapatid ko ang kawalang-hiyaan ni Nikki, galit na galit ako. Sinong kapatid ang matutuwa na malamang pinahiya ang kapatid niya sa napakaraming tao sa gym at sinabotahe ang practice para sa cheerleading kung kaya’t nahulog si Maui sa kalagitnaan ng sayaw!” Tumigas pang lalo ang mukha ni Louisa. “Aaminin kong hindi ko naman talaga pin-lano pero nang makahanap ako ng pagkakataon, sinasagaan ko si Nikki! Tuturuan ko lang naman sana siya ng leksyon at gagantihan sa mga pinaggagagawa niya pero iyon nga at napatay ko siya.”
“So, inaamin mong ikaw nga ang nakasagasa at pumatay sa kanya dahil sa personal grudge, Miss Flores?” tanong ng abogado ng mga Legazpi.
“Wala naman akong hindi inaamin. Ginawa ko ang krimen kaya paninindigan ko.”
“Kaya ka ba tapat na umaamin dahil totoong nagsisisi ka o gusto mo lang mapababa ang sentensya sa ‘yo kung saka-sakali?”
“Nagsisisi?” Malamig pa sa yelo na umismid siya. As much as she could, palalabasin niyang masama siya sa mga mata ng mga tao, huwag lamang malagay sa anumang alanganing sitwasyon si Maui. “Bakit ako magsisisi? Dapat lang sa kanya ang sinapit niya dahil maldita siya!”
As expected, nagwawawala ang mga magulang ng biktima. Pinagsisigawan, minura-mura, at idinuro-duro siya sa nag-uumapaw na galit ng mga ito.
Umangat ang isang sulok ng labi niya. “Kung magkakaroon nga lang ng pangalawang pagkakataon, hindi ako magdadalawang-isip na gawin ulit sa kanya ang ginawa ko!”
Mariing pinikit ni Haris ang mga mata sa mga pag-amin ni Louisa lalo na sa huling sinabi ng dalaga at naikuyom niya ang mga kamao sa sobrang pagkasuklam. He couldn’t believe he once fell in love with his sister’s murderer!
Umingay ang buong korte nang maibigay ang verdict kay Louisa at nahatulang guilty ang dalaga sa salang pagpatay kay Nikki Legazpi. Umiyak ang mga magulang ng biktima na sa wakas ay mapagbabayad din sa batas ang may sala at makukulong si Louisa.
Hindi nagsasalita si Haris at malamig na nakatitig lamang sa mukha ng babaeng minsan ay minahal habang naglalakad papalapit dito at pinoposasan ito ng mga awtoridad para dalhin at ikulong na.
For the last time, Louisa painfully stared at the eyes of the only man that she loved. Kailan lang ay napakasaya nilang dalawa at walang katumbas ang pagmamahalan nila ngunit ngayon ay humantong ang ganito sa lahat dahil sa isang gabi ng malagim na krimen.
She wanted to hug him, embrace him and wipe his tears away, pero hindi niya magagawa ‘yon dahil siya mismo ang sumaksak ng patalim sa dibdib nito.
Malakas na binagsak nito ang mga palad sa mesa sa harap niya at naglaban ang kanilang mga mata. Kung hindi man siya mapapatawad ng binata kahit na kailan ay maiintindihan niya.
Nagulat silang lahat sa sunod na ginawa ni Haris. Agresibo ang naging sunod na galaw nito at gamit ang matitigas nitong mga kamay ay sinakal nito si Louisa na halos ikamatay ng dalaga at pangapusan siya ng paghinga.
“Bakit ikaw pa?! Bakit kailangang ikaw pa?! Bakit ikaw pa na babaeng minahal ko nang buong-buo ang papatay sa nag-iisang kapatid ko?! May kapatid ka rin kaya ikaw dapat ang mauunang makaisip sa sakit na mararamdaman ko sa pagkawala ni Nikki! Ikaw dapat! Pero ikaw pa ang pumatay sa kanya! Bakit ikaw pa?!” Dumadagundong sa buong silid ang malakas na boses nito habang sinasakal siya’t namumula na namumugto ang mga mata nito sa kaiiyak.
Kung hindi lamang ito natigil at naawat ng mga pulis ay siguradong hindi na nagawang makahinga o makawala man lang ng dalaga. Naubo pa siya at kung hindi lamang siya napakapit sa mesa ay nawalan sana siya ng balanse at natumba habang hawak-hawak ang leeg na nasakal nito sa sobrang galit nito.
Tumalikod ito at humakbang na para maglakad palayo. Palayo sa kanya at tuluyang paglayo nito sa buhay niya. Pinatay niya ang pinakamamahal nitong kapatid kaya dapat lang na mawala rin ito sa kanya. Hindi niya deserve ang pagmamahal nitong ibinasura niya.
“Sandali!” Nang makabawi ay muli itong tinawag ni Louisa.
Tumigil ito sa paglalakad pero hindi na siya hinarap pa.
Sinenyasan niya ang isa sa mga babaeng pulis na pinakiusapan niya ng isang bagay. Lumapit ito sa binata at inabot ang isang bagay na pinababalik ni Louisa. Ang singsing na minsa’y naging tanda ng walang katapusang pangako ng pagmamahal nito sa kanya.
“Alam kong hindi mo maaatim na pakasalan ang taong pumatay sa kapatid mo kaya ibinabalik ko na sa ‘yo ang bagay na ‘yan.”
Ikinuyom lamang ni Haris ang palad na may hawak sa singsing na ‘yon at walang-lingon likod na itong naglakad palayo.
Nang dalhin na siya ng mga pulis at nakatalikod na rin siya’y doon niya tuluyang ibinuhos ang mga luha. She lost Haris… She lost him forever.
Si Haris nama’y dumiretso sa tahimik na riverside kung saan ang paboritong puntahan nila at kung saan niya ibinigay ang singsing nang mag-propose sa minamahal. The last time they were here, they were very happy and full of love. Now that he’s here again all alone, his heart is shattered into million pieces and he is full of hatred.
Naaalala niya ang closeness nila ni Nikki.
“Wow! Totoo ba talaga ‘to?! VIP ticket ‘to ng paborito kong international boyband na magco-concert dito sa Pilipinas, ah!” hindi makapaniwala at sunod-sunod na anito nang iabot niya rito ang hinihingi nito sa kanya lately.
“Uh huh,” pagtango-tango naman niya.
“Yieeee! Thank you! Thank you talaga, kuya Haris! You’re the best!” Niyakap pa talaga siya nito kahit na nasa kalagitnaan sila ng biyahe at nasa sasakyan pa sila.
Of course, isa lang ang kapatid niya kaya whatever Nikki wants, Nikki gets. Besides, materyal na bagay lang naman ang ticket na sigurado siyang ikatutuwa ng kapatid kaya kayang-kaya niyang ibigay ‘yon.
Nang ipikit niya ang mga mata niya’y ang alaala naman ni Louisa ang lumutang sa gunita niya.
“Gusto kitang pakasalan, Louisa. Kung gustong-gusto mong nakikita at nakakasama ako palagi, mas lalo naman ako. God knows mas lalo naman ako sa ‘yo, Louisa. I love you, and I am going to love you forever. Papayag ka bang pakasal sa akin?”
“Magpapakasal ako sa ‘yo. Magpapakasal ako sa ‘yo!”
“Sa totoo lang, hindi pa sana ngayon ako magpo-propose, eh, kasi pinaghahandaan ko pa talaga, pero heto at napasubo ako nang wala sa oras,” pilyong biro niya sabay marahang humalakhak.
Hinampas siya nito sa braso. “Ah, gano’n?!”
“Hindi! Biro lang!” aniya sabay malutong na halakhak.
She pouted at him in between her tears of joy.
Buong puso niyang hinawakan ang kamay nito at kinintalan ng halik ang singsing sa daliri nito. “Now I truly believe that unplanned things are sometimes the best. Tulad na lang ngayon, at tingnan mo naman, engaged ka na sa akin! And sooner or later, you will finally be my Mrs. Haris Legazpi. Can’t really wait for that to finally happen!”
Pagkadilat niya ng kanyang mga mata'y isinigaw niya ng malakas sa hangin ang galit at poot na nararamdaman kasabay ng pagtapon ng singsing sa ilog.
Nang buksan niya ang palad, naroon pa rin ang singsing at hindi man lang niya nagawang itapon. Hindi pala niya kaya. Kung noong una beses ay tumulo ang luha niya sa singsing dahil sa sobrang kaligayahan, ngayo’y nababasa ulit ng mga luha niya ang singsing dahil sa sakit na nararamdaman. He once loved Louisa Flores but he will forever loathe her for killing his sister!