Naramdaman ni Louisa na naging mas malalim at mas mapusok ang paraan ni Haris ng paghalik sa kanya tapos ay hinahagod ng palad nito ang kanyang likod saka unti-unting inalalayan siya pahiga sa buhanginan nang hindi man lang pinuputol ang halikan sa pagitan ng kanilang mga labi. Bago pa man siya tuluyang magpatangay sa bugso ng damdamin at kung saan pa mapunta ito ay minabuti niyang putulin na kaagad ang ginagawa nila… “Haris…” she softly called his name to get his attention. He stopped and when he slowly opened his eyes, he stared at her beautiful face. Marahan siyang umiling-iling dito. “Huwag…” Nakuha naman kaagad nito ang nais niyang iparating kung kaya’t nirespeto nito ang kanyang hiling. Bumangon ito at tumuwid sa pagkakaupo. Si Louisa namang naiwang nakahiga sa buhanginan ay na

