Pagkatapos ng mahigpit na yakap nila’y ilang minuto din ang dumaan na walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Haris was not saying anything but silently watching her and observing her condition. “Paano na tayo makakabalik nito ngayon, Haris?” untag nito sa kanya. Seriously, wala rin siyang maisagot sa tanong na ‘yan sa kasalukuyan… They are obviously trapped in an isolated island. Walang mga kabahayan at mga tao sa paligid. Silang dalawa lang. “Wala na rin ‘yung bangka,” malungkot na patuloy ni Louisa. “Siguradong magagalit ‘yung management ng resort sa damage na nagawa natin lalo pa’t wala man lang tayong paalam na manghihiram nu’n. And worst, nanghiram na nga lang tayo, naiwala pa natin.” “Don’t worry about it, Louisa. Akong bahala sa management ng resort oras na nakabalik tayo. I’ll

