100- "Sa isla..."

2124 Words

“Haris, may natatanaw na yata akong isla sa banda roon, oh!” excited na bulalas ni Louisa sabay turo ng nakikita niyang isla. Masayang tumangu-tango si Haris. “We’ll go there. Gusto mo ba?” She nodded like a jolly child princess na para bang napagbigyan ng amang hari sa kanyang munting kahilingan. “Alright. Pupunta tayo do’n.” Patuloy sa pagsasagwan ang binatang nasa likod niya samantalang siya naman ay hindi na natanggal-tanggal ang ngiti sa mga labi dahil sa labis na kasiyahan kahit sa simpleng sea adventure trip na ito. “Kita mo na? Sabi ko naman sa ‘yo mag-e-enjoy ka dito, ‘di ba?” salita muli ni Haris, proud and confident. Tumango siya. Oo nga naman… Hindi na maitatanggi iyon. Nang nilingon niya si Haris ay nakatuon na ang mga mata nito sa tubig at ang atensyon sa pagsasagwan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD