Kina-Lunesan tulad ng kanyang pinangako kay Jessica ay sinikap nga niyang huwag ma-late. Maagang-maaga pa na halos siya na nga rin lang ang nabagot dahil masyado pang maaga at wala pa naman siyang mga naka-assign na gagawin. 'Yung mga pending naman noong nakaraan ay natapos na din niya. Inabangan pa nga niya talaga ang pagdating ni Miss Jessica at nang mamataang papasok sa opisina nito'y masayang tinawag niya. "Hi, Miss Jessica!" Bahagyang nabigla ito sa kanya. "Hindi po ako na-late ngayon tulad ng pinangako ko sa inyo no'ng nakaraan!" Hindi nito alam ang magiging reaction. Kung tatawa ba o ano. But remained poker face and just raised a brow. "Gano'n ba? Good for you then. Sana'y magtuluy-tuloy nga 'yan at hindi lang sa umpisa ka magaling." 'Yon lang at dumiretso na ito sa loob ng o

