"Kung nagkataong kapatid kita, talagang hindi ko palalampasin ang nananakit ng ganito sa 'yo kahit na sino pa siya." Somehow, it made her smile. Paano nga kung nagkaroon siya ng kapatid? Paano kung nagkataong magkapatid nga sila ni Trevor? Siguro'y mas masaya ang naging childhood niya. "Ikaw talaga, Sir. Wala naman pong nananakit sa akin, eh. But anyway, thank you pa din po sa care ninyo." "Of course, you're an employee here and you are my secretary, kaya natural lang na magtanong ako kung anong nangyayari sa 'yo at mag-alala. Nga pala, hindi mo pa ipinaliliwanag sa akin, Cora. Bakit nga ba alas diyes ka na dumating ngayong umaga? Guess, you're aware it's considered absent kapag sumobra na ng 10 AM ang dating mo, hindi ba?" She nodded. "Alam ko po 'yon, Sir, at hindi ko po nakakalimuta

