Louisa caringly held Maui’s hand, at napatingin ito sa kamay niyang banayad na humawak sa kamay nito. “It’s okay, Maui. You can tell me anything kung may bumabagabag sa ‘yo o kung may pinagdaraanan kang problema. Nandito lang ako, I will listen to you kahit na ano pa ‘yan. I’m your ate Louisa, remember? And you can always trust me.” Banayad din na napangiti ito saka tinapik ang kanyang kamay. “I know, ate Louisa. Honestly, I just had a bad dream. Nakaidlip kasi ako habang nasa biyahe kami, at ‘yon na nga.” Kinabahan bigla siya. “Bad dream? What bad dream?” Sana ay huwag namang tungkol kay Nikki… Umiling ito. “Hindi ko na maalala, at ayoko na sana talagang pag-usapan pa, ate Louisa.” Napahingang-malalim si Louisa. She wanted to ask more questions further, ngunit kailangan din niyang is

