Chapter 31 Paula Mataman ko siyang tinitigan habang naghahapunan kami. Mas lalo pang nadagdagan ang curiosity ko sa kanya nang naging mas tahimik na siya at hindi na ako kinikibo mula nang umuwi na sina Quinn at Ridge. Iniisip ko iyon at kinukulit ang utak kung bakit naging seryoso ulit ang mukha at awra niya. Lagi naman siyang ganoon pero ang bilis naman magbago? Talaga yatang ang weirdo na niya. Hindi na niya ako kinikibo hanggang sa makauwi ako. Nakatalikod na rin siya sa akin nang magtabi kami sa kama. Kinabukasan, bago umuwi ay nagpadaan muna ako sa isang Mall para bumili ng laruan kina Earl at Sue. Sinabay ko na rin ang pagbili ng regalo kay Austin. I bought him books and crayons. Ang hirap bilhan lalo na kung alam kong mayroon na siya no’n. Kaya para hindi masayang, educational