Chapter 32 Paula Niyakap ko nang mahigpit ang unang nahawakan ko at nilubog pa doon ang mukha. Ang sarap pang matulog. Ang lamig. Ang lambot-lambot ng kama at ng kumot. Sarap sa pakiramdam. I was so tired yesterday night, sa trabaho at naglaba pa ako ng mga damit naming mag-iina, walang mag-aasikaso no’n dahil na kay William ako—wait! Agad akong napadilat nang maalala ang nangyari kagabi—I mean, ang alam ko walang nangyari dahil nakatulog ako sa byahe—tapos ngayon nakahiga na ako sa kama niya! Napabalikwas ako ng bangon. I’m alone but..paano ba ako nakarating dito? Pagod na pagod ako kahapon kaya tinulugan ko ang byahe tapos..tapos..hindi na nila ako ginising? Ibig sabihin binuhat ako? Tiningnan ko kaagad ang damit na suot-suot ko. Namilog ang mga mata ko. Iba na rin ang suot ko! At h