Chapter 3

1008 Words
"Dalhin mo nga ang isang tray sa labas, Scarlet," utos ni ate Mely sa akin. Pinunasan ko ang kamay ko bago ko kinuha ang tray sa center island table. Sabi nila may mga kaibigan daw si sir na dumating at nasa pool area sila ngayon. Limang araw na mula ng dumating si sir dito at hindi na uli kami nag-aabot mula ng gabing ginawan ko siya ng sandwich. Umiiwas na din ako dahil panay ang paghuramentado ng aking dibdib kapag nakikita ko siya. Masasagi nga lang siya sa isipan ko eh, kumakalabog na ang dibdib ko. Hindi na yata ako normal at malapit na akong mabaliw. Hindi naman ako nagkakaroon ng crush noon sa Manila. Siguro ay dahil sa squatter lang naman kami nakatira at ang mga lalake doon ay kung hindi tambay at mga adik at lasenggo. Naglakad ako sa backdoor ng kusina na papunta sa garden. Mula dito ay dinig ko ang tawanan at kuwentuhan ng grupo nina sir. Nang matanawan nila ako ay tumahimik sila sandali at matamang nakatingin sa akin. Mas lalo akong na-concious kaya naman ay doble ingat ang hawak ko sa tray at pati sa lakad na ginagawa ko. Kagaya ni sir ay mga guwapo din ang mga kaibigan niya. Matatangkad at mga malalaki ang katawan. Mukhang may mga lahi din sila base sa kulay ng kanilang mga mata. Agad ko ding tinigil ang pagsuri sa kanilang mga mukha ng makita ko si sir na nakataas ang isang kilay sa akin. "Damn, she's so hot." Dinig kong sambit ng isa. Lima silang mga lalake ngayon. "What's your name," tanong ng isa. Lumingon ako at kahit pa ayaw ko sanang makipag-interact sa mga amo ko ay ayaw ko namang maging bastos. "Scarlet, sir," sagot ko. Nakatingin sila sa akin ngayon, may mga ngiti sa labi. Pero si sir ay siya lang ang bukod tanging hindi nakangiti. Galit kaya siya sa akin dahil kinakausap ko sila? "Your name suits you," usal ng isa. Gusto ko sanang mag-thank you dahil alam kong papuri ang sinabi niya pero pinili ko na lang na magbingi-bingihan. Nilapag ko isa-isa ang laman ng tray at aalis na. Narinig ko ulit silang nagtanong sa akin. "How old are you?" tanong ng isa. "Eighteen po," sagot ko. Mukhang gusto pa nilang magtanong ng madami kaya lang naisip ko na isa akong katulong sa bahay na 'to. "Excuse me po, mga sir, babalik na po ako sa trabaho," mabilis kong paalam at mabilis ding naglakad pabalik ng kusina. Dinig ko pang tinatawag ako kanina pero 'di ko na sila nilingon pa. "Ang guwapo ng mga nasa labas no?" bungad  ate Mely sa akin pagkalapag ko ng tray. "May mga abs pa," sabad din ni Dona. Nangiti lang ako at ayaw ko ng dagdagan pa ang sinasabi nila dahil tiyak na kakantiyawan lang nila ako. Noong nakaraan na gabi na nag-inuman sila kasama si kuya Berto ay ako ang napagdiskitahan nila. Gusto kong mainis kay Ate dona dahil binuko niya na may gusto ako kay sir. Nahihiya ako at pinamumulahanan kaya naman tumigil din sila sa pang-aasar sa akin. Sinabi din nila na normal lang humanga pero huwag ko daw alagaan ang damdamin ko na 'yon. Bukod sa amo namin siya at hamak na katulong lang ako ay baka masaktan din daw ang bata kong puso. Gano'n din ang sinabi sa akin ni nanay Susan. Sinagot ko na crush lang naman. Sana nga masanay na ako kay sir at hindi na ako makaramdam ng kakaibang bagay kapag nakikita ko o nalalapit siya sa akin. Lalo na at dito na daw siya maninirahan sa Pilipinas. Tiyak na araw-araw ko na din siyang makikita. NAGISING ako sa mga katok sa labas ng maids quarter, nakita ko sa orasan na hating gabi na. Mahimbing ang tulog ni nanay Susan kaya naman ako na ang bumangon. Tiyak na hindi din babangon si ate Lorna at Ate Mely dahil mga tulog mantika ang mga 'yon. Bigla tuloy akong kinabahan ng maisip ko na maaring si sir Carl ang nasa labas ng pintuan. Inayos ko muna ang buhok ko at maging ang tshirt ko bago ko binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nakangisi na si sir Carl. Mapula-pula ang kaniyang pisngi, naamoy ko ang alak sa kaniyang hininga. "Ano po 'yon, sir?" tanong ko sa kaniya. "Ipaghanda mo ako ng pagkain, dalhin mo sa kuwarto ko," wika niya at agad tumalikod na. Napamaang ako at agad na ding tumalima upang maipaghanda siya ng pagkain. Narinig ko noong nakaraan kay nanay Susan na mahilig daw si sir sa tapa kaya 'yon ang naisipan kong lutuin. Mabuti at madami pang kanin kaya naman ipagsasangag ko na lang din siya. Nang maayos ko na lahat sa tray ay agad na akong naglakad papunta sa kuwarto ni sir sa second floor. Kumatok ako ng tatlong beses pero walang nagbukas ng pinto. Tulog na kaya siya? Isip-isip ko. Pinihit ko ang pinto at bahagyang sumilip sa awang bago tuluyang pumasok. Naglakad ako papunta sa coffee table malapit sa couch at nilapag ang tray. Dinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Naliligo siguro si sir. Mabilis akong pumihit para maglakad na paalis ng kuwarto ni sir ng magbukas ang pinto ng banyo. Napasinghap ako ng makita ko si sir na nakatapis lang ng tuwalya. Agad akong nagbaba ng tingin at tinuro ang tray na nasa coffee table. "Samahan mo na akong kumain," alok na naman niya ulit. Ayaw ko mang masabihang bastos dahil hindi ako tumitingin sa kaniya ay hindi ko talaga magawa lalo na at baka maglakbay lang ang paningin ko sa kaniyang magandang katawan. "A-ahm, kat- "Ano naman kung katulong ka. Pantay-pantay ang lahat ng tao," inunahan na niya ako ng sasabihin. "Hindi pantay-pantay ang lahat ng tao, sir, kasi kung- Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko. Hindi din ako dapat nakikipagkuwentuhan sa amo ko. "Sasamahan mo akong kumain o ipapatanggal kita," banta niya. Napatingin ako sa kaniya. Nakataas ang kilay niya at nakangisi. Bumuntong hininga ako at tumalikod na para pumunta sa couch. "Magbibihis lang ako," paalam niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD