Pabagsak akong umupo sa couch ng dumating ako dito sa bar. Hindi na muna ako umuwi pagkatapos kong iwan si Aki kanina. Mukhang hindi din naman ako makakatulog kahit napagod ako sa pag-upo ng ilang oras sa biyahe kanina. Tinawagan ko ang mga pinsan ko at sinabi nila na nandito sila sa club. Kaya naman sumunod na ako sa kanila. Tinanggal ko ang blazer kong suot para hindi magmukhang nakacorporate attire pa din ako. Bumuntong hininga ako at napahilamos ng kamay. Dapat siguro hindi na muna mag-krus ang landas namin ni Aki pagkatapos ng nangyari kanina. Parang naulit ang nangyari sa nakaraan. Pero siya naman itong naghahabol ngayon sa akin. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya kanina. Dahil ba iyon sa akin? Parang hindi ko kaya na may nasasaktan dahil sa akin. Hanggat maari ayaw k

