*** “So travel on land is still impossible?” Hervey asked when he heard Kraven’s statement. Tulad nga ng hinala niya ay delikado ang susuungin nilang misyon. Ngayon pa lang ay natatakot na siya para sa asawa. Ngunit pursigido itong sumama. At ayaw naman niyang isipin nito na idina-down niya ito. Kaya kahit imposible at mabigat sa puso niya ay hinayaan niyang sumama ang asawa. Inabot niya ang kamay nito na nakapatong sa mesa at marahang pinisil. Pero ang tingin niya ay nanatili sa projector screen. Ayaw niyang mabasa ang pag-aalala sa mga mata nito. Baka lalo lamang niya itong pigilan sa pagsama. “The RDS secret lab was located far away from the main city. And before we can even get there we need to pass the only village that for sure, the enemy lies ahead. From that village we need t