Chapter 2

1558 Words
“SIX golds, Hernandez. Way to go!” bati ni Cooper na bumungad sa kanya nang makasampa na siya sa wakas sa eruplano nito. “Hinihintay na ng lahat ang pagbabalik mo.” “It's been a while.” Napangiti si Wyatt at nakingiting nakipagkamay sa kaibigan. “Let me guess, you lose, right? Ikaw ang nagsundo sa akin, eh.” “That fuckers set me up. Kagagawan talaga ito ni Kayden pota,” mariing usal ni Cooper at gigil na binasa ang pang-ibabang labi. “Walang magawa, eh. Ako na pagdiskitahan ng gago. Humanda siya sa akin pagbalik ko. Exempted na si Alejandro, Kyron at Isaac, may mga asawa na, eh. Siguro ay kailangang ko na ring mag-asawa.” “Good luck on that. Mahirap matali nang panghabang-buhay,” malat na komento ni Wyatt para mapahalakhak ang kaibigan na si Cooper. “Sabagay, nakakatakot naman talaga. Lalong-lalo na kapag walang kasiguraduhan. Pero six years na rin, ah. Anim na taon na simula nang hindi ka umuwi sa Pilipinas para pagtuunan ang pag-ensayo,” pagpapaalala ni Cooper. “Matutuwa ang lahat sa pagbalik mo. Lalong-lalo na sa Madison.” Muling napangiti si Wyatt at nilapag niya ang duffel bag sa tabi ng kanyang uupuan. “Of course, best friend ko ‘yon, eh.” “Best friend? Nah, hindi lang ata ganoon ang pagtingin ninyo sa isa't isa,” pagtatama ni Cooper para tumaas ang kanyang mga kilay. “Aaminin ko, gago ako minsan pero alam ko kapag may gusto ang tao sa isa't isa. Ikaw lang naman ang ayaw. Baliktad kayo ni Madison.” “Us being friends will not change what we have even if we fight, Ramirez...” paliwanang ni Wyatt. “In that way we can maintain the friendship we treasure for so long. I know you guys are rooting for me to end up with Madison... except for Alvarez. But I really can't. Hindi ko isusugal ang pagkakaibigan namin para lamang maging kasintahan si Madison. Magbabago ang pagtingin naman sa isa't isa kapag nangyari iyon. At hindi ko kayang isipin na magiging malayo kami sa isa't dahil sa pag-ibig na anumang oras ay puwede mawala.” “Well, you have a point and it's your choice. Alvarez is one hell of a persistent man, you know him. He is not going to waived. Worst was he never show some dismay and is not going to give up. Hindi nga nadadala ng mabasted ng isang beses, eh,” Cooper laughed. “Wala, eh. Gustong-gusto niya talaga si Madison. Pero pakiramdam ko, kaunti na lang ay aabot na rin ni Alvarez doon. Nagiging malapit na sila ang dalawa, eh.” Natahimik si Wyatt at tinitigan niya ang nakadaop niyang mga kamay. Nang nagbigay-alam ang piloto na lilipad na ang sinasakyan nilang eruplano ay huminga si Wyatt nang malalim at nakiramdam sa paligid. Nang makampante na siya sa lipad ng eruplano ay ibinalik niya ang atensyon sa kaibigan. “Naiintindihan ko naman ang gustong mangyari ni Alvarez at nirerespeto ko iyon,” ani Wyatt at tipid na ngumiti. “If Madi and Zach ends up together, it will be fine with me. Madi is better with Zach. They balance each other.” “Don't worry. Madison is an understanding and independent woman. Hindi niya pagtutulakan ang sarili niya kapag alam niyang wala na talagang patutunguhan,” wika ni Cooper para mapatango si Wyatt sa pagsang-ayon. “Take a rest and everything is inside our airplanejust in case if you need some because I'm going to sleep. It's tiring managing an airline.” Napangiti na lamang si Wyatt nang makita niyang ipinikit na ni Cooper ang mga mata. Inilabas ni Wyatt ang kanyang headphone at pinatutog niya ang kanta na Homesick ni Dua Lipa, ang paborito nila ni Madison tugtog kapag sila ay naghahati ng tag-isang earpieace na de saksak na headset. Napangiti si Wyatt nang marinig niya ang chorus ng kanta. Ramdam niya ang liriko ng banggitin ni Dua Lipa ang kataga na 'I wish I was there with you'. Gusto niya rin na hindi mawalay sa mga kaibigan noon; na manatili sa piling ng mga ito dahil masaya kapag kasama niya ang mga ito kahit hindi ganoon karangya ang buhay niya gaya ng mga kaibigan. Ayaw niyang mawalay sa mga ito lalong-lalo na sa malapit niyang kaibigan na si Madison. Sapagkat mas pumaibabaw ang kanyang kagustuhan na maabot ang pangarap. At hindi siya nagsisi na iniwan niya ang mundong nakasanayan dahil nagbunga ang kanyang pangarap. Six golds. Iyon ang kanyang gatimpala at ang rekognasyon na karapat-dapat para sa Pilipinas. Tiyak na kapag-balik niya ay hindi na ganoon na magiging tahimik ang buhay niya. Iyon ang isa sa rason kung bakit pinili niya na mag-ensayo at hindi umuwi sa Pilipinas. Pero matagal na ang anim na taon para mawalay sa kanyang pamilya. Ipinikit ni Wyatt ang mga mata at napangiti siya sa isipin na sa wakas ay makakatapak na ulit siya sa bansa na kanyang kinalakihan. At ang unang niyang gagawin kapag dating ay yayakapin niya nang mahigpit si Madison. He missed her so much.   HUSTONG alas-otso ng gabi lumapag ang eruplano na sinasakyan nina Wyatt galing sa Tokyo, Japan. Pagkahudyat ng piloto na maari na silang lumabas ay dinampot ni Wyatt ang kanyang duffel bag habang nasa kanang kamay niya naman ang bagong kuwintas na ginto. Nang bumukas na ang pinto ay tinapik ni Cooper ang kanyang balikat. “You surely made them proud.” Tumango si Wyatt at humakbang na palabas. Kapag labas niya ay ang mga kaibigan ang agad na bumungad sa kanya na naghihintay sa private landing area. He saw Alejandro with his talented wife  Alexandria. Hawak ni Alejandro ang panganay nitong si Alexander. Si Kyron naman ay hapit ang asawa nitong bantog na manunulat. Hawak ni Mika ang dalawang taon nilang panganay na si Kyria na hawak rin ang kamay ni Alexander. Beside Mika, he also recognized the famous newscater Heather Perez. Sunod na lumapag ang kanyang mga mata sa nakangiting si Isaac at sa asawa nitong sikat na song producer na si Shania habang hawak ang umbok ng malaki nitong tiyan. Napangiti siya dahil sa tatlo.  Para kailan lang ay abala lamang ito sa mga trabaho at pambabae ngunit ngayon ay may mga pamilya na ito. Si Kayden ay nakangiti sa gawi niya habang akbay nito si Nikolas na nakatingin sa kanya at pumapalakpak mula sa malayo. Xavier and his long time secretary were also there standing side by side to each other. Si Jackson ay nasa tabi rin ng mga ito at tahimik lamang habang nakatingin sa kanya. Huling nakita niya ay si Zacharias na nakapamulsa at tumango sa kanya nang magtama ang kanilang mga mata kaya sinuklian niya ang ginawa nito. The view was a picture perfect... almost rather. Dahil ang pinakahinahangad ng kanyang mga mata ay hindi niya nasilayan sa tanawin na iyon.  Madison is not around. Ilang hakbang lamang ang kulang para malapitan niya ang mga kaibigan nang may humintong sasakyan sa gilid ng mga ito at iniluwa si Madison. Mahinhin itong humakbang palapit sa kanya kaya naman napatitig siya nang maigi sa kaibigan. Madison was not wearing his usual formal and vest style. This time, she was wearing a sexy dress. A light make-up which she doesn't usually does. Madison is wearing a black sexy heels making her legs even longer as she walks towards him. Para bang kung anong aura na pumapalibot sa kaibigan na hindi niya nakita noon. Ibang-iba na ito sa Madison na kanyang nakilala. Madison was a woman now. At hindi ito ang inasahan niya na Madison na tatagpo sa kanya. Madison style has changed, and it made her enviable. Hindi na ito ang simpleng babae ngayon na manuot; na walang pakialam sa kung paano nito dalhin ang sarili dahil alam nitong hindi na nito kailangang magpaganda. And damn he always knew Madison has a wavy brown hair, but he never knew that it looks good on her now that it was swaying with the wind together with her flowy dress. Dahil sa bestida nito ay kitang-kita niya kung gaano kahapit ang baywang nito. Hindi niya alam kung gaano ito kaiyag... ngayon lang na nakapustura ito at ang ganda nitong titigan habang nakatingin sa kanya. Para itong naglalakad sa isang fashion show habang kimi na nakangiti. Sa sobrang ganda nitong habang naglalakad at habang hinahangin ang buhok ay hindi na nabawi pa ni Wyatt ang mga mata. She looks very enchanting. Madison has turned into a woman he never thought would be enticingly sexy. Nagsilingunan ang iba upang tanawin kung saan siya nakatitig at kitang-kita niya kung paano nagngitian ang mga ito nang sabay-sabay. Hindi niya na pinansin ang mga nakakalokong mga ngiti nito at sa halip ay lumihis ang kanyang paglakad palapit sa dalaga. Nang magkalapit na siya kay Madison ay pinakatitigan niya ang mas lalong umamo nitong mukha. At sa hindi alam na kadahilanan ay bigla na lamang siyang napatitig sa labi nito na kasing pula na rosas bago siya lumunok. He suddenly felt the urge to kiss her... even if he knew it was wrong. Sinalubong niya ang kulay almanderas nitong mga mata at unti-unting ngumiti sa dalaga na ngayon ay namumula na ang pisngi na mas lalo lamang nintong ikinaganda. “You look... nice,” ang tanging nasabi ni Wyatt para ilisya ni Madison ang mga mata.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD