Chapter 1

1765 Words
“CONGRATULATIONS!” wika ni Annie para kunot-noong mapatingin siya dito at inihinto ang pagtingin sa mga record ng pasyente sa araw na iyon. “What was the congratulations for?” nagtatakang tanong ni Madison. “Didn't you hear?” ganting-tanong ni Annie. Nagtatakang napatitig lamang siya sa kaibigan at nang mapagtanto ang gusto nitong ipahawatig ay napatango-tango siya dito. “Oh, yeah, about that. Thank you so much, Annie. We helped twenty mothers and soon-to-be mothers today. Kung wala ka ay baka hindi ko kayanin ang trabaho na iyon. Ang suwerte ko kasi best friend na nga kita, tapos maganda ko pang sekretarya.” Bagot na pinaikot ni Annie ang mga mata at pumalatak. “Huwag mo akong inuuto. Ngayong katapusan ang ipinangako mong tataasan mo ang suweldo ko.” “At gagawin ko iyon sa katapusan dahil tumaas ang sales natin sa clinic gaya ng pangako,” agap na sagot ni Madison. “At saka bakit ka kasi tumakas sa UK? Eh, isa ka naman dugong bughaw. Countess Annie of Senara, England. You really sound so expensive, Lady Courtship. Isa lamang akong dukha kung tutuusin.” “Stop it, Madi. I hate hearing that title. And that's the point why I left that country,” sagot ni Annie. “I don't want to be with one of the royals." “And I respect your decision, Lady Courtship,” pang-aasar muli ni Madison para mapabusangot ito. “I said stop it,” pagsaway ni Annie sa malutong na British accent. “Okay okay. Wala akong laban diyan sa British accent mo na 'yan kaya titigil na ako," ani Madison at pabiro na itinaas ang dalawang kamay. “Ikaw kasi, eh,” wika ni Annie at matampuhin umingos. “Pero I wasn’t talking about the patients when I said congratulations, Madi. I was talking about you. I am congratulating you.” Napaisip nang sandali si Madison bago nakangiting tumango. “Yeah, being able to discourse the health and safety precautions of a pregnant woman in a National TV show is another achievement to me, Annie. Thanks.” “Not that one...” mariin wika ni Anna, hindi na napigilan ang paglabas ng British accent. “I'm talking about him.” “Who's him? Isaac? If yes, you are right. Shania and Isaac are having their second child," nakangiting pagbibigay-alam ni Madison. “I already know about that. The couple came here just a while ago. What I meant is... Wyatt,” saad ni Madison na nagpa-estatwa sa kanyang kinauupuan. “Gersy said that Wyatt will arrive in the Philippines tonight.” Sa mga katagang naulinigan na iyon ay halos mahimatay si Madison. Nakalimutan niya ang bagay na iyon dahil sa pagkaabala sa kanyang clinic. Dali-dali niyang tiningnan ang kalendaryo na nasa kanyang lamesa upang ikumpirma at tama nga ang kaibigan na si Annie. It was tonight! At hindi man lang siya naghanda. Halata ang pagod sa kanyang mga mukha at wala siyang maisusuot para tagpuin ito sa airport. “Oh, god, Annie..." wika ni Madison habang sapo niya ang noo. “I don't have a dress to wear, and I need time to prepare. What time is it?” “It's already five, Madi. You have still have less than three hours to prepare," pagbibigay-alam ni Annie para mas lalo lamang siyang mataranta. “Three hours is not enough for me,” ani Madison at sinabunutan niya ang buhok at saka balisa na tiningnan si Annie. “I don't want to look unprepared. Fara wasn't around and I don't know who else to ask for help when it comes to beautiful dresses except for Jakovo. Oh, yes. I can ask him, can't I? He was highly recommended by Alex and Mika.” “Yas. Try Jakovo. Move your bum and fly away,” pagtataboy ni Annie sa kanya. “Go prepare and leave the clinic to me. Ako na ang bahala sa pagsara.” Pakundangan na tumingin lamang siya sa kaibigan at nagpasalamat. “Grabe, ang suwerte ko talaga sa iyo.” Annie huffed at playfully winked at her. “Ako lang ‘to, ano ka ba! Parang hindi ka pa naman sanay.” “Naks naman! Natuto ka na ng mga Tagalog expression, ah,” Madison affirmed as she hastily gathers her things. “Ikaw lang naman ang hindi natuto, eh. Pinagtutulakan mo pa rin sarili mo kay Wyatt,” pahayag ni Annie at prente na humilig malapit sa entrada ng kanyang office. “Wala, eh. Gustong-gusto ko talaga iyong tao,” tugon ni Madison at umismid. “Alam ko naman. It's just that if this plan flop, can you let it go?” ani Annie para mapatagil sa kanya sa pagsalansa ng gamit. “Parang isang dekada mo na ata iyang kinikim, eh. Hindi ba mabigat?” “Hindi pa. Kaya pa naman,” sagot ni Madison at inihanda na ang sarili sa pag-alis. Tinapik niya ang balikat ni Annie. “Don't worry, Lady Courtship. Last na talaga ito.” Annie clucked her tongue, and she shook her head. “Isa kang hotdog! Panglimang beses mo ng nasabi ‘yan!" Natatawang lumabas si Madison sa clinic at agad na tumungo sa condominium ni Jakovo sa Quezon City. Nang dumating siya sa condominium nito ay dali-dali siyang kumatok. Ilang minuto na hindi siya pinagbuksan ni Jakovo kaya naman mas nilakasan niya ang pagkatok. Tumigil lamang sa pagkatok si Madison nang mapagbuksan siya ni Jakovo na halatang kagigising lamang sa pagkatulog. “May plano ka bang sirain ang pinto ko, babaita?” “I need your help, Jakovo..." bungad ni Madison habang nakakunot pa ang ilong. Sandaling napatingin si Jakovo bago tumaas ang kilay nito. “Boy problem?" “Yeah,” sagot ni Madison at malungkot na tumango. “Wyatt will be home tonight. I need to look gorgeous." Lumiit ang mga mata ni Jakovo bago nito eksaherada na binuksan ang pinto at inihudyat ang kamay papasok. “You came in the right house! Come in, my friend. Your wish is my command." Napapantastikuhan na pumasok si Madison sa bahay ni Jakovo at umiling. “Stick with using Tagalog, Jakovo. Para kang natatae kapag ginagamit mo ang English language." “Para ka ring si Heather, eh, ano?” sarkastikong tanong ni Jakovo bago sinarado ang pinto. “Maupo ka lang muna diyan at magtitingin ako sa mga gamit ko. Gusto mo bang mang-akit ngayong gabi?” “Mang-akit?” hindi makapaniwalang tanong ni Madison at nasapo niya ang kanyang dibdib sa pagkagulat. “Oh, bakit? Ang kuwento nila Alex sa akin ay gustong-gusto mo raw iyong tao, ah.” Nanunukat na ngumisi ito at umupo sa kanyang harapan. “Grabe naman iyong gustong-gusto,” pagtanggi ni Madison. “Oo, bakit? Hindi ba gustong-gusto ‘yong 9 years and 323 days?” nang-aasar na tanong ni Jakovo. “Hala, mayroong pabilang? Sino nagbilang niyan? Huhulaan ko, si Mika, ano?” nakangiwi niyang pagkumpirma kay Jakovo. “Grabe, binilang talaga! Iba!” “Parang ‘di mo naman alam kung gaano ka-metikulosa ang isang iyon.” Pinaikot ni Jakovo ang mga mata at hinampas niyo ang kamay sa hangin. “Alam mo iyang best friend mo na si Wyatt, kung hindi mo madaan sa santong-dasalan, idaan mo na sa santong-paspasan!” “That's outrageous, Jakovo!" palahaw ni Madison at umiling-iling. “Hinding-hindi ko gagawin ‘yon sa kaibigan ko. Gusto ko ay ‘yong kusa mahulog si Wyatt sa akin.” “Iyan din ang sabi ni Shania kay Isaac noon,” wika ni Jakovo at maarte na tiningnan ang kulay bahag-hari nitong kuko. “Sabi ni Shania ay boring daw si Isaac. Pero tingnan mo naman kung paano niya lunukin ang binatawan niyang salita.” Nanatiling nakinig si Madison sa kuwento ni Jakovo. “She ends up seducing Isaac out of curiosity and boom, they got married. Ayaw mo ba ng ganoon?” nanunukat na tanong ni Jakovo. “At saka kung magkukusa si Wyatt, dapat noon pa, sis. Eh, wala naman. Walang usad. Nganga.” Hindi nakapagsalita si Madison at nag-isip. “I mean, look at you, Madi honey. You are beautiful and smart. Pero walang kalandi-landi ang katawan mo. Kung ako si Wyatt ay iisipin ko na pang-kaibigan ka lang talaga kasi hindi ka nagpapahayag ng kung anong kaiyagan,” saad ni Jakovo habang himas pa nito ang baba. “Lalim, ah. Panalo ka na! Mas magaling ka na ngayon mag-tagalog kay Annie,” puna ni Madison para mapangiti si Jakovo. “Palagi namang talagang talo iyong babaitang ‘yon sa akin," wika ni Jakovo at maarteng hinawi ang imaginary hair nito. “Pero alam ko ang ginagawa mo ngayon. Binabago mo ang usapan, Madison. Hindi na umeepekto ang ganyan sa akin. Naumay na ako sa mga ganyan ni Shania.” Napabuntong-hininga si Madison. “Jakovo, do you think Wyatt would like if he knew that I’m seducing him?” “Si Shan nga ay pinaglandakan pa sa lahat na inaakit niya si Isaac, eh. Kung ayaw mo siyang makahalata edi kakalmahan lang natin," payo ni Jakovo at kumindat sa kanya. “Dress na hindi masyadong revealing pero nakatitigas, ganoon. I say lagyan natin ng kaunting landi ang katawan mo, ano?” Napaisip si Madison at nanatiling tahimik sa kinauupuan. “At saka depende rin naman iyon sa lalaki. Katulad ni Isaac na pakipot pero bumigay din naman. Puwedeng hindi niya magustuhan kasi mas sanay siyang formal ka manamit," wika ni Jakovo at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Masyadong formal kaya hindi ka man lang pinormahan ng iba, ganoon. O di ba kaya ay magustuhan ni Wyatt dahil kunwari nagbago ka na at handa ka ng maghanap ng papa, ganoon. At magustuhan niya o hindi, nasa iyo naman iyon kung gagawin mo pa rin. I will respect your decision.” Madison frowned and scrunched her nose. “You want votes? Okay. It's a 3 yes and a 3 no," ani Jakovo para mapatinhin siya dito. “Whose votes was that?" tanong ni Madison at tumingin sa paligid. “Wala ka namang tao na nakikita na hindi ko nakikita, hindi ba?” “Ha! Funny...” sarkastikong wika ni Jakovo at walang ganang tumingin sa kanya. “Alex, Shan, Me are the yeses. Heather, Mika, and Annie voted the no. Sa iyo ang huling desisyon, sis. Kasi kung ako ikaw, hindi na ako magdadalawang isip. Susunggaban ko na ang pagkakataon habang nandiyan na. Hindi mo alam baka bigla na namang makawala sa hawak mo... katulad ng dati.” Muling napaisip si Madison at tumingin muna dito. “Fine, Jakovo. Let’s do it.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD