NAKAHILIG si Wyatt sa labas ng pinto nang marinig ang masayang pag-iyak ni Madison mula sa opisina. He was glad that Madison has Annie back. Not just Annie but her friend Sabrina who came back from the Philippines. They need a girls time. A girls night perhaps. And he would let her without his presence. Masyadong binubugbog ni Madison ang katawan sa trabaho kaya kailangan nito ng pahinga. Even if he wanted to see Madison, her friends need her more than he needs her. Gusto niyang magmayabang na napabalik niya si Madison. Na nagawa niya ang gusto nito. He was seeking for a reward. A tight hug and a kiss to his cheek from Madison since Annie's back. Pauwi pa lamang ay naiisip niya na kung gaano ito sasaya at naiisip niya pa lamang ang reaksyon nito ay nagbigay na sa kanya ng pagkagalak. However, seeing her happy is enough.
Madison's happiness is all that matters to him. Her happiness is his holy grail. However, he understands the feeling of being a woman somehow. Having a best friend for a woman made him understand the characteristics and needs of a woman. After all, girls are girls. If men enjoys beer night with small talks, girl are the opposite. Kahit na maghapon ang mga itong magkunwentuhan ay tila ba parang kulang pa ang mga oras na iyon basta lamang maikuwento ang bawat detalye na naranasan ng mga ito. Women has a way of coping up that a man couldn't understand.
Muling napangiti si Wyatt at tumungo sa parking lot. Binuhay niya ang makina at pumunta sa kanilang bahay-inuman. Naroon ay sina Cooper, Kayden, Jackson at Xavier na nagbibiruan sa harap sa sala. Nang umupo siya sa tabi ni Jackson ay sabay na sumipat ang mga ito sa gawi niya.
“What? Can’t I come here?” pang-aasar niya sa mga kaibigan at nagsalin ng alak sa baso.
“I don’t know. It's weird that you’re here, instead of spending time with Madison,” ani Kayden at umismid.
Nagkibit-balikat si Wyatt at tumungga sa baso. “Nah, it's time to spend some time with you guys. And I needed to sit for at least an hour, my feet is killing me.”
Tumaas lamang ang dalawang kilay ni Jackson bago tahimik na uminim ng alak. He used to be Jackson being silent but the Jackson he is seeing is an anxious Jackson. Halata iyon dahil tingin ito ng tingin sa cell phone na para bang may hinihintay itong tawag. Kung kliyente ito ay hindi naman ganoon ang epekto niyon kay Jackson, puwera na lang kung babae ito maliban sa nobya nitong ubod ng sungit. Naisin niya man na magtanong ay alam niyang wala siyang mapapala dito kaya hinayaan niya na lamang ito sa kinauupuan habang nangunguyakoy na ang mga paa sa paghihintay.
“Didn’t you miss me, guys?” pahabol na wika ni Wyatt. “I just said I miss you.”
”Corny mo, gago!” asik ni Xavier at naghihinala na tumingin sa kanyang mga paa. “Wala ka man lang dinalang pasalubong. Kahit man lang na anong galing sa Japan, wala. Nganga.”
Nagtataka na tumingin si Wyatt. “But you don't likes sweets.”
“Hindi naman para sa akin, eh...” sagot ni Xavier at ngumiti. “Para kay...”
“Sa secretary niya na si Gersy,” dugtong ni Cooper at nang-aasar na ngumiti. “Ano pa nga ba? Si Xavier lang ata ang baliw na baliw sa secretary niya, eh, kahit na may fiancé.”
Xavier made a mocking face. “Ha! Sana bumalik sa iyo iyang mga pinagsasabi, fucker. At saka sinong nagsabing baliw ako kay Gersy. Huwag kang fake news.”
“Ah, kaya pala noong hindi nakapasok ng isang araw ay nasiraan ka ng bait,” tudyo ni Kayden at napahalakhak. “Para kang babae, gago. Deny pa. Halata naman, eh.”
“Parang ikaw rin, hindi ba? Naaakit ng asawa ng kambal mo,” balik-tudyo ni Xavier at marahas na uminom mula sa nguso ng basa. “Kaya nga sa penthouse na iyan natutulog kasi baka madali niya, eh.”
“Anong madali? Gago, hindi ko gagawin iyon kay Patrice,” ani Kayden at nag-iwas ng tingin.
“So, you are in the first name basis now, huh? I thought you hate the woman?” tanong ni Cooper para mawalan ng kataga si Kayden.
“Nobody's perfect and I've been kind of hard to her, I'm aware,” sagot ni Kayden at pumalatak.
“Ngayon ka lang? Kung ako si Patrice, sinapak na kita unang araw pa lang,” saad ni Xavier at napailing-iling. “Tanga mo. Hindi ka naman inaano ng tao, wala namang ginagawa masama sa iyo, pero tinrato mong parang basura.”
Napabuntunghininga si Kayden at itinaas ang dalawang kamay. “Tanga na, oo. Sige na. Pero I am trying to be nice ever since I acted, okay? I’m a jerk, I know...”
“We all are jerks,” malamig na sabad ni Jackson para magtinginan silang lahat sa gawi nito. Nang wala na itong dinugtong ay bumalik ang kanilang atensyon kay Kayden.
“It's just Patrice lose her husband and get blind at the same time, kung ako nasa kalagayan niya, maawa ako sa sarili ko,” wika ni Kayden at yumuko. “And it's been five year.”
“Yeah, but that doesn't mean you have to pretend like Ayden,” sabad ni Wyatt para mapapikit si Kayden. “Cooper and I already said it before and you didn't listen. And since you started it, you need to endure the temptation. That’s the punishment you have to face. Gaya ng sabi ko, bumalik sa iyo ang karma, hindi ba?”
“I agree,” Xavier said and clucked his tongue. “You want to keep the husband act, be the husband to Patrice. Huwag ka tumakbo sa gulo na pinasok mo.”
“I’m not avoiding anything, it's just it's immoral to do it, you know what I mean,” sagot ni Kayden at napahilot sa sentido. “Ayden would really kill me if he's here.”
”But he’s not here, is he?” wika ni Wyatt para magkatinginan ang lahat sa kanya.
Jackson gave a little smirk while Cooper tilted his head out of disbelief. Xavier on the other side grinned at him before looking at Kayden.
“You’re getting in my head, Hernandez, I'm not doing it,” mariing wika ni Kayden bago marahas na tumungga mula sa nguso ng Mikhail 30yo whiskey.
“I know that you won't... for the time being,” nanunukat na ani Wyatt at nagsalin ng alak sa baso. Iniikot-ikot niya ang alak sa rim ng baso bago sumimsim. “But the question is... how far will you not do it.”
Tumalim ang mga mata ni Kayden kaya inilapag niya ang hawak na baso at itinaas ang kamay senyas bilang pagsuko. Sa sobrang talim ng mga natanggap galing dito ay napangiti na lamang siya ng palihim. Pakiramdam niya ay kulang na lang ay mapapatay na siya ni Kayden sa sobrang galit.
“Chill, Gonzales,” natatawang wika ni Wyatt at nang-aasar na kinunutan ito ng noo. “I’m just joking, fucker. I know that you wouldn't do such thing... Unless you’re just bluffing.”