bc

1622: Our Tale in Time

book_age18+
21
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
reincarnation/transmigration
dominant
badgirl
powerful
king
medieval
royal
like
intro-logo
Blurb

Historical Romance

Isang makabagong Maria Clara sa makabagong panahon; siya si Andrea Saavedra ang tinaguriang BAD BABE ng 21st century, isang sikat na aktres at nag-iisang heredera ng mga Saavedra, kilala bilang saksakan ng ganda ngunit saksakan naman ng sama.

Paano kung sa isang iglap ay mapunta siya sa isang panahon at makilala niya ang BAD BAE ng 17th century, isang kinatatakutang opisyal ng bansa ang Gobernador Heneral Carlos Alfonzo Buenaventura y' Ruiz na nagtataglay ng may pinakagwapong mukha, isang mukhang kinahuhumalingan ng mga kababaihan ngunit kinatatakutan ng karamihan, ang binansagang berdugo ng bayan.

"Ang buwan at ang punong ito ang siyang piping saksi sa tapat kong pagmamahal sa 'yo. Isang daan o tatlong daan-- kahit isang libong taon pa ang magdaan, walang magbabago sa aking nararamdaman. Huwag kang tumangis sa ating pag-iibigang naglaho, manabik ka sa ating muling pagtatagpo, sapagkat ang ating pag-iibigan ay muling iuukit ng kasaysayan."

A 17th-century love story that was written in the 21st century.

Our Tale in Time.

chap-preview
Free preview
Prologo
2022 'Andrea Saavedra a.k.a BAD BABE, to star in an upcoming historical drama, Our Tale in Time...' Laman ng bawat pahayagan, maging sa balita at social media "Sino ba may sabi na gusto kong gumanap sa corny'ng historical drama na 'yan?" namumungay ang mga matang turan ng dalaga, habang hawak-hawak ang isang baso ng alak. "Pumirma ka, tanga!" bulyaw ng pinsan niya. "Talaga? Tss—" "Akin na 'yan Andeng, tama na. Maaga pa tayo bukas para sa script reading." Kalmadong turan ng pinsan niya habang inaagaw ang baso ng alak. "Mmm, kawawa si Andeng." Nakangusong turan ng dalaga na halatang lasing na. "Andeng!" nanlalaki ang mga matang bulalas ng pinsan nito habang tarantang napatingin sa paligid. "Gusto pang uminom ni Andeng, pag di pa nakainom si Andeng, malulungkot at iiyak si Andeng." Ngumunguso at tila ba naiiyak ng turan ng dalaga. "Tsk! Andeng umayos ka, maraming tao. Gusto mong ma-video?!" bulong ng pinsan niya. "Video? Huh! Sinong hinayupak ang nam-video sakin?" sigaw nito na tila ba nahimasmasan sabay tanggal ng suot nitong sombrero. Napatigil ang iilang tao. "Bad babe? Pare si Bad babe—" hindi na magkamayaw ang mga tao at pinagkakaguluhan na siya, bagay na ikinainis niya. "Lumayo kayo!" sigaw ng pinsan niya pero itinulak lamang ito. "Bad babe, pahawak lang—" naiiyak na sigaw ng isang babae na halatang tagahanga niya. Napangiti si Andeng saka akmang aabutin ang kamay nito nang may humila sa babae at itinulak ito, nakita niya kung paano nasaktan ang tagahangang yun, ang mas lalo niyang ikinainis ay nang ang lalaking humila sa babae ay ang siyang humawak sa kamay niya, hinaplos nito ang braso niya habang dumidila. "Tss, ako pang binastos mo, taas ng standards ah!" gigil niyang turan saka hinila ito sa kwelyo at pinahiga sa counter ng bar, pumaibabaw siya rito at lumuhod, dahilan upang maupuan niya ang t'yan ng lalaki. "Alam mo talagang bad trip ako, ano?" nakangisi niyang turan saka pinagsusuntok ang mukha ng lalaki. Inis siyang napabaling sa lalaking may hawak ng cellphone habang kinukunan siya ng video. Tumalon siya mula sa counter at akmang hahablutin ang lalaki nang tumakbo ito, hinabol niya at nahila ito sa kamay saka pinagpalit ang pwesto nila, napadapa sa sahig ang lalaki at napahiyaw. "Burahin mo 'yan kung ayaw mong ipakain ko sayo 'yang mga mata mo!" pambabanta niya dito habang sinasabunutan ito. "Akin na-- dali!" singhal niya dito nang ayaw itong kumilos. Makatlong beses niyang inihampas sa sahig ang noo ng lalaking ayaw i-surrender ang video niya. "Sige lang, okay lang. Magdamag nating ibabayo itong ulo mo." gigil niyang turan. "T-tama na- aray!, eto na." pagsurrender ng lalaki. Napaupo ang lalaki sa sahig habang hinihimas ang namumula at may bukol na nitong noo. "Bad babe is in the house!" sigaw ng DJ at umalingawngaw ito sa buong bar, dahilan upang mas lalo pa silang pagkaguluhan. Hinila siya ng pinsan niya paakyat upang mailayo siya sa gulo. "Bad babe! Bad babe! Bad babe!" sigaw ng mga naroon. Napahilot siya sa sintido saka lumapit sa DJ, ngumiti ito sa kanya. "Kahit kailan ka talaga--" kinurot niya sa tagiliran ang lalaki at pinanlakihan ng mata, napakamot na lang sa batok ang huli. Tumayo siya sa harap ng Djm 900 Nexus DJ Mixer. Kinuha at isinuot niya ang isang head phone. Pumindot siya ng isang button at nagsimula ang isang nakakabuhay dugong musika, dinagdagan niya ang bass ng at saka ibinaba ang button ng echo nagsimula ng gumalaw ang mga kamay niya sa monitor at nagsimulang sumayaw ang lahat ng naroon. Napahalukipkip na lang ang pinsan niyang si Nammi saka ito napalingo-lingo. Yes, si Andeng ay hindi lang isang basagulerang aktres, isa rin siyang pamatay na Disk Jockey, ang Bad babe ng 21st century na may killer concept, isang magandang dalaga na saksakan ng sama. Mula sa kabilang dako... Sa panahon kung saan halos limot na ng makabagong mundo at ang buhay ay nababasa na lamang sa libro. Sa panahong pinagdaanan na ng ilang siglo at ang mga pangyayari'y laman na lamang ng bawat kwento. May isang bahagi ng kasaysayan na nilimot na ng pagbabago, isang kwentong lihim na naitago. Sa isang malawak na kapatagan na kung tatanawin mo'y tila walang hangganan ay may kasaysayan akong natunghayan, isang kasaysayang ako lamang ang nakakaalam. Ako ang piping saksi sa pagmamahalang walang kasing sidhi, ang tanging may hawak ng kwento na 'di ko sinasadyang naitago. Isang kwentong aking napulot sa maalikabok kong ala-ala-- at ngayong ang ilaw ay aandap-andap na at maging ang pag-asa'y lumalabo pa, aking tatanawing muli ang kwentong limot na nila. Isang kwentong naiukit na ngunit nawala, ito'y muli kong bubuksan pagkat ito'y naitadhanang iuukit muli ng kasaysayan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook