"Hoi Andeng, gising na!" Nagising ako, hindi dahil sa sigaw niya kundi dahil sa pagkalaglag ko sa kama sanhi ng sapilitan nitong paghila ng kumot ko. Napahawak ako sa balakang saka impit na napahiyaw, namimilipit ako sa sakit nang lumapit siya sa akin at sinipa ako sa paa. Syempre, alam niya nanamang umaarte ako.
"Huwag mo kong maarte-artehan, Andeng ha! Tumayo ka riyan. Tanghali na." mas mataas pa sa sikat ng araw ang boses nito at mas maalinsangan pa s apanahon ang aura nito.
"Inaantok pa ako." Napasipa ako sa ere habang nakaupo pa rin sa sahig. "Ang aga-aga pa'y galit ka na sa akin, pagpahingahin mo naman ako," pagmamaktol ko sabay hila ng unan na agad naman nitong inagaw.
"Andeng, isa!" Hindi ko ito pinansin, sa halip ay sumampa ako sa kama at pumikit na namang muli.
"Ah-Aray. Aray, ate!" hiyaw ko nang hilain niya ako sa tenga patayo.
"So ngayon, uma-Ate ka na sa akin?" nanggigigil nitong turan. Inis akong napaupo sa kama saka hinaplos ang tengang kinurot nito.
"Pwede ba, kahit minsan man lang, ituring mo naman akong pinsan mo," nakanguso kong turan.
"Wow! Hindi kami na-inform na may soft side pala ang bad babe ng 21st century." Bulalas nito sa mapang-uyam na tono habang nakapamewang. And so I mimicked her and I make faces. Napahiyaw na lang ako bilang pag-alma nang batuhin niya ako ng unan. "Hoi, Andeng! Huwag mo 'kong mapasadahan niyang kasamaan ng ugali mo ha, Manager mo 'ko!" aniya habang dinuduro ako na para bang sasabog na siya sa inis.
"Manager mo 'ko- Manager mo 'ko. Hindi ba pwedeng pinsan muna kita?" wari'y paghihimutok ko.
"Tayo na riyan, Andeng, kukutusan na talaga kita." Lumalaki na naman ang butas ng ilong nito.
"Opo, eto na po, tatayo na po, Manager Nam." Tumayo na ako saka tinungo ang bintana.
"Ano bang gagawin natin ngayon?" Binuksan ko ang kurtina saka nag-inat ng katawan.
"Script reading, umayos ka sa harap ng press mamaya," aniya saka lumabas nang silid.
Napapikit ako nang tumama sa akin ang malamig na hangin, naririnig ko pa rin ang pagtatalak ni Nammi sa labas, napangiti ako. Wala akong mga kapatid pero nariyan naman siya, ang kaisa-isa kong pinsan na malapit sa akin, yun nga lang pagdating sa trabaho ay manager na manager talaga ang dating nito. Siyam na buwan lamang ang agwat namin pero tiklop ako sa kanya sa katunayang mas matanda siya sa akin kahit pa ako ang tanyag na 21st century Bad Babe ng bansa.
***
"Whoah!" bulalas ko nang halos lunurin ang newsfeed ko nang balita tungkol sa pagbibidahan kong historical drama. "Look at this Nammi. These people do love me to the moon and back!" Nakangisi kong turan habang ipinapakita sa kanya ang phone. Saglit siyang lumingon sa akin saka muling ibinalik ang tingin sa daan. "Mabasa nga ang cooments," nakangiti kong turan.
Maraming mga good comments akong nababasa ngunit may iilan pa ring masasama na ikinakulo ng dugo ko. "Seriously, wala bang magawa ang mga ito sa buhay nila at hindi nila magawang atupagin ang sariling buhay ha?" I grit my teeth. Makapagsalita ang mga 'to akala mo kung sino nang ini-stalk ko ang profile wala naman ni isang picture, "Haha trolls!"
[Really? Bad babe, your not a perfect fitted for the rule, mas bagay sa'yo ang kontrabida. Magbagong buhay ka na."] Komento ng isang nakaprofile pic ng itim. natawa ako sa mali-maling grammar. "Magbagong buhay pala ha, halika babaguhin ko buhay mong kulang sa aruga ka."
[Bad babe, you're not a perfect fit for the role. Pakialamero ka na nga bobo ka pa.] Komento ko. Ilang segundo lang ay inulan na ito ng reaction at reply pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa iba pang komento.
[Papanget ang drama dahil kay Bad babe.] Komento ng isang panget.
[Ikaw, panget. Haha] Komento ko.
[Walang kwenta, sasagwa iyan.] Sabi naman ng isang masagwa ang mukha.
[Oi may walang kwentang nagkokoment, sagwa naman nag crop-top pa. Linis muna tayo ng pusod ha lol] Reply ko dito.
[Hindi bagay sa role, pakamatay ka na Bad babe!]
[Ikaw walang role. Iyak. Hahaha] Ganadong-ganado ako sa kaka-reply sa mga 'to.
[Bad babe, fake, retukada...panget mo, pwe!]
[Nahihiya nga mukha mo sa pwet ko. Paretoke kita, gusto mo?]
"Tang na juice, ako fake? Kahit pa paluin ng tubo 'tong ilong ko, t'yak hindi 'to mayuyupi! Ba't ba ang hirap para sa kanilang tanggapin na ang ganda ko, ha Nammi?" napatingin ako kay Nammi na ngingiti-ngiti lang.
"Yung ganda mo kasi pang Maria Clara pero yung ugali mo pang Harley Quinn, kaya siguro di nila tanggap." tumatawa nitong sagot. Medyo may pagkabaliw naman talaga ako at kung minsan ay napapaaway ako. Mas madalas pa ngang laman ng balita ang may nakaaway ako kesa sa mga showbiz news.
Pagkaapak na pagkaapak ko sa kompanya ay sinalubong agad ako ng mga media, ngumiti naman ako saka tumigil.
"Andrea, anong masasabi mo para sa mga fans mo na nag-aabang ng Our Tale in Time?" tanong ng isang media. Inayos ko ang sunglasses ko saka ngumiti.
"To my fans, thank you. I'll give my everything into this historical drama. You'll never regret watching it. And to my bashers, burn and die dahil hanggang d'yan lang kayo, lahat ng mura sa mundo lunukin niyo, mga pu****—" natigil ako sa pagsasalita nang hilain ako palayo ni Nammi.
"Paki-cut na lang nung part na yun." Malamig na turan ni Nammi sa media.
"Huwag mong i-cut, kung ayaw mong—" pinanlisikan ko 'to ng mata saka sumenyas na gigilitan siya ng leeg. Napangiting aso ang lalaki, nalilito kung sino sa amin ang susundin niya.
"Andrea!" sita niya sa akin kaya tumahimik ako. Ayan na syempre tiklop nanaman ako, Andrea with tandang padamdam from Nammi ay katumbas ng mabait na Andeng. Galit-galitan na ang lola natin eh, tinatawag niya lang akong Andeng kapag keri niya pa ang ugali ko.
Naglalakad kami nang may mabangga akong lalaki, dahil sa naka face mask at sombrero ito eh di ko siya makilala.
"Sorry." maikli nitong turan.
"Sorry? Hindi mo na sana kailangang sabihin 'yan kung tumitingin ka lang sa daraanan mo," tiningnan ko 'to mula ulo hanggang paa.
"Ikaw ang bumangga sa akin, Miss. Sa susunod, tumingin ka naman sa dinadaanan mo." Sarkastiko nitong turan, bahagya pa akong napaatras nang dinaanan niya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.